Zairah I can't believe in what did just happened. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga naganap ngayon-ngayon lang. The person that I've been looking for was with us the whole time. The person that I doubt to be exact. No wonder why. Nang pumunta kami ni Lei sa Gretta para hanapin si Astria, wala kaming nakuhang patunay na roon nga talaga siya nakatira. Akala ko ay mali ang nakuhang impormasyon. Pero hindi ko alam na kasama ko na pala si Astria pabalik sa Bernice. Xena is the greatest witch of all time. The witch that I've been looking for. Ang witch na tinitingala ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayon. Wala akong maipakitang emosyon sa sobrang saya ko. At last... "Z-Zairah. Nanaginip lang ba ko?" Biglaang sambit ni Lei. Napaismid ako sa sinabi niya at diniinan ko a

