Raze Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Xena. Hindi pa lumilitaw ang araw ay nakahanda na ito. "Anong meron?" Marahang tanong ko. Napasinghap ito sa tanong ko at sinenyasan akong sumunod sa kaniya sa labas. Hindi ko na nagawang mag-react man lang o magtanong pa dahil nauna na ito sa akin. Bakit ba nagmamadali to? Pareho kaming lumabas ng bahay ni Xena at nabigla ako sa bumungad sa akin. Kahit sobrang aga pa ay ang dami ng tao sa labas at nagsisiayusan sila ng mga tent at paninda nila. "E-Eh? Anong meron?" Biglaang sambit ko. Hindi ako sinagot ni Xena at nabigla na lang ako nang magsuot ito ng isang cloak. "Listen carefully, Raze." Ma-awtaridad na sambit ng babaeng kaharap ko. Seryoso itong tumingin sa akin. Huminga ito ng malalim bago magsalita. "I found a way to get us out o

