Xena Tanging pag-ismid na lamang ang nagawa namin ng mga kasama ko. She's not in the second place for nothing. "Ya kids. Papunta kayo sa Frencide hindi ba? Ano naman ang gagawin niyo roon? Bawal ang mga bata roon." Pag-iiba ng babaeng kaharap namin. Nanatili siyang casual na nakaupo sa strings at pinaglalaruan nito ang buhok niya. Damn. Pang myembro na ng council ang skills niya. Paniguradong pinaglalaruan niya lang kami ngayon at hindi pa siya nagseseryoso. "Shut the hell up!" Inis na sambit ni Zairah. Itinapat nito ang palad niya sa lupa. "se apokaló-" "katastréfo." Pagsingit ng Disciple. Hindi naituloy ni Zairah ang pag-summon dahil sa spell na ginawa ng Disciple. Nagawa nitong patigilin ang pagbuo ng mga simbolo. "na eínai mátaia." Muling sambit ng Disciple. Unti-unting namu

