Xena
Hindi ko mapigilang ang pag-init ng ulo at pagkulo ng dugo ko. Ngayon ko lang narasanan mainis ng ganito. Dati ay hindi naman ako madaling magalit sa mga bagay bagay.
Pero iba ngayon. I can't believe that I was under a spell from someone without noticing it.
Isama mo pa na kinuha nila ang isa sa mga kaibigan ko. These guys really needs to know who's the freaking boss.
Hindi lamang ako ang naiinis kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Lalong-lalo na si Raze na hindi rin makapaniwala na nagamitan siya ng spell.
Napunta ang tingin ko kay Tana na nagsisimula ng umiyak. Napasinghap na lamang ako rito bago ko pagmasdan ang mga tao rito sa silid.
Napako ang tingin ko sa isang lalaki. The guy with the most dangerous aura among them.
Siya siguro ang tinutukoy ni Tana na isang myembro ng 12 disciples. I guess siya rin ang gumamit ng spell kaya hindi ko ito basta-basta napansin.
"We gave you a favor and we erased your memories. Bakit parang atat kayong mamatay at pumunta pa kayo rito?" Walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking kaharap ko. Ang lalaking pinakamalakas sa grupong nandito.
Napaismid si Raze sa sinabi nito at akmang lalapit na siya nang mabilis ko siyang pinigilan.
Even though I hate to admit it, this member of the 12 disciples is really in a complete level compared to him. Even Zairah who's a tría might even have a hard time with him.
"Jokes on you, you should've finished us when we didn't have our memories. Ganun ba kayo atat mamatay?" Balik ko sa kanya.
"Ohhh-" Pasimpleng react ni Lei sa likod ko. Rinig ko rin ang pag-ismid ni Zairah at pagsimangot ni Raze.
Bakas ang pagkairita ng mga myembro ng grupong kaharap namin. Puno lamang ng mga nakatambak na gamit ang lugar na ito. Semento ang pader at ang lapag na may mga biyak-biyak pa.
"Hindi ko gusto tabas ng dila mo." Sambit ng isang lalaking puno ng tattoo na mukhang kaedaran lamang namin.
"Sinabi ko bang magustuhan mo?" Pabalang na sagot ko.
He gritted his teetch because of irritation. Mas lalo itong nairita sa sinabi ko. I won't lie, but I'm really having fun with this conversation. Ngayon ko lang naranasan na makipagsagutan ng ganito.
Nagsimulang maglakad papunta sa akin ang lalaking puno ng tattoo ngunit mabilis itong huminto nang itinaas ng lalaking karap ko ang kanang kamay niya.
"Don't act like a dog." Walang kaemo-emosyong sambit niya.
Natigilan ang lalaking sinabihan niya nito at napayuko. That's how he treats them huh?
"Since you're already here, I guess pagkakakitaan na rin namin kayo." Muling sambit ng lalaking karap ko.
Pare-parehong nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko sa sinabi nito.
"ékrixi." Mahinang sambit ng lalaking myembro ng 12 disciples.
Mabilis akong natauhan sa sinabi niya. Bago pa tuluyang lumabas ang mahikang ginamit niya ay mabilis akong nagbanggit ng spell.
"empódio." Sambit ko.
Lumabas ang malakas na pagsabog na ginawa ng kaharap namin pero mabilis na humarang ang barrier na ginawa ko. Tila nakuha ng ginawa ko ang atensyon ng lalaking kaharap namin.
"How did you know that it was an explosion? Isang Rank S spell ang ginamit ko at bibihira lamang itong nakikita sa libro." Marahang tanong niya.
Kumurba ang labi ko sa tanong nito. "Oh. I thought that was just a basic spell?"
Imbis na mairita ay kumurba rin ang labi ng lalaking kaharap ko.
"I guess you're not just an ordinary student huh? Then let me tell you this. I, Nine, the ninth member of the 12 disciples of Astria, sees you as a true witch." Nakangising sambit ng lalaking kaharap ko na nangangalang Nine.
"Imbis na sumama ka sa mga Nobles na katulad nila, bakit hindi ka sumama sa amin? Ipalaganap natin ang mga salita ni Astria." Dagdag niya.
Humampasa ang malakas na hangin sa amin. Nagbago ang eskpresyon ko sa sinabi nito habang nanatiling nakikinig ang mga kasama ko.
"He's f*****g nuts, I'm going to freaking kill him." Inis na sambit ni Raze.
"Masyado na silang nabulag sa kapangyarihan ng mahika." Dagdag ni Lei.
"Tsk. Astria is better than this." Mahinang sagot ni Zairah.
Nasa sa akin pa rin ang tingin ni Nine at hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa labi.
"The old era is dead. Witches only wants power. And with the Grimoire of Astria, you can accomplish anything!" Muling sambit ni Nine.
"Witches who were born with true talents can beat the Nobles. Hindi na pera ang magiging basehan ng ranggo ng mga tao kung hindi ang kapangyarihan! Matutupad ang pangarap ni Astria! Tayong mga witches ang mapupunta sa tuktok. Mga makapangyarihan ang mananalo."
Nagbago ang itsura at ekspresyon nito. Parang hindi siya ang seryoso at walang emosyon na lalaking naabutan namin. Hindi ako makapaniwala na iisang tao lang sila.
Ito ang naging kalabasan ng kasakiman sa kapangyarihan. Ang resulta ng libro ni Astria. Nabulag na sa mahika ang mga taong sumasamba sa kaniya at sa librong ginawa niya.
Humigpit ang pagkakasara ko sa kamao ko. I really need to find the Grimoire.
"A witch's dream has ended. There's no witch in this world that doesn't want power. Everyone works hard for their own goal, just for themselves. Everyone." Muling sambit ng lalaking kaharap ko.
Napaismid ako sa sinabi niya at napakagat ako sa ibabang labi ko.
That's a freaking lie. A witch's dream never dies.
Just like mine. Dito ko napagtanto na ayoko pang sumuko sa pangarap ko. Kahit alam kong hindi ko na ito matutupad ay gusto ko itong gawin.
No-
I will do everything to achieve it.
Napunta ang tingin ko sa lalaking kaharap ko at deretso ko itong tinignan.
"I'm sorry. I refuse your offer." Walang ganang sambit ko.
Nagbago ang tingin sa akin ng lalaking kaharap ko dahil sa sinabi ko. Bago pa ito magsalita ay inunahan ko ulit ito.
"There is no one in this world who works hard for their own goal, just for themselves. If you work hard for your goal, it only means that you want to celebrate it with someone." Walang kaemo-emosyong sambit ko.
Itinapat ko ang kamay ko sa lapag at huminga ako ng malalim bago magsalita.
"áthrafstes alysídes." Bigkas ko.
Lumabas ang bilog sa lapag at ang mga simbolo. Nabigla sila sa ginawa ko. Lumabas ang mga bakal at pinalibutan nito si Nine. Ang mga bakal na walang makakasira.
I used a Rank SS spell that only members of the council or a powerful noble knows.
•••