Xena
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Raze kanina sa klase namin.
Yun ba ang ibig sabihin niya na gusto niyang lumakas? G-Gamit ang Grimoire?
Mabilis kong iniling ang ulo ko para alisin ang mga nasa isip ko. Bumangon ako sa higaan at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto.
Mukhang hindi ko naabala si Lei dahil nakabalot pa rin ito sa kumot.
Hindi ako pwedeng manatili lang dito at maging estudyante kung alam kong hindi lang ako ang naghahanap ng Grimoire. Kailangan ko ng kumilos.
Maingat akong lumabas ng dorm at sumalubong sa akin ang madilim na pasilyo. Tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko.
Hinila ko ang isang hibla ng buhok ko. "Deíxe mou ton trópo." Mahinang sambit ko.
Lumutang mag-isa ang hibla ng buhok at nagsimulang gumalaw. Kung gusto kong mahanap ang Grimoire ay ang dapat kong unang puntahan ay ang Principal's office.
Sinundan ko ang hibla ng buhok ko papunta sa Principal's office. Sinisigurado akong maingat ako at hindi gumagawa ng kahit anong tunog.
Malapit nako sa isang malaking pinto nang huminto sa paggalaw ang hibla ng buhok ko.
Nagbago ang ekspresyon ko nang mapunta ako sa harapan ng pinto. Sana ay nandito ang hinahanap ko...
Balak ko na sanang buksan ang pinto gamit ang spell nang makaramdam ako ng ibang presensya.
Mabilis na napunta ang tingin ko sa isang maliit na tao na nakatayo sa gilid ko.
"Do you need anything from me?" Marahang tanong nito.
Napasinghap ako sa sinabi niya at agad na lumayo sa pintuan. The principal is here.
Tinignan ni Nasus ang pinto na kaharap ko kanina at napailing. "Hindi ko inaasahan na nandito ka sa paaralan ko." Pag-iiba ng lalaking kaharap ko.
Matalim ko itong tinignan. "Alam mo kung bakit nandito ako." Walang kaemo-emosyong sambit ko.
Isang mapait na ngiti ang ipinakita sa akin ni Nasus. "Ofcourse I do. Looking for the Grimoire of Astria, right?"
Hindi ako umimik sa sinabi niya at nanatiling nakatingin lamang dito.
Tila nawala ang mapait na ngiti na ipinakita ng lalaking kaharap ko at nagbago ang eskpresyon niya.
"Kung nandito ang Grimoire ay ako mismo ang susunog ng bawat pahina non."
Napaismid ako sa sinabi nito at hindi ko nagawang makasagot. Bwisit. Wala rito ang hinahanap ko.
"Pero kung gusto mong magkaroon ng malaking chansa na mahanap ang Grimoire ay dapat pumunta ka sa Frencide." Pag-iiba ng principal
Nakuha ng sinabi nito ang atensyon ko.
"Frencide is the main city of this nation. At nandun din ang council. Yun ang pinakaposibleng pinaglalagyan ng Grimoire." Dagdag niya.
"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"
Kumurba ang labi ni Nasus sa sinabi ko. "Ofcourse. I also want to freaking destroy that damn book. Pero alam kong wala akong kakayahan."
"Isa rin ako sa mga biktima ng diskriminasyon. Ang pagiging dwarf ko ay ang naghila sa akin pababa."
Tila kumirot ang dibdib ko sa sinabi nito. Masyado na talagang malala ang trato ng mga tao sa ibang nilalang.
"But don't get me wrong." Pag-iiba ng lalaking kaharap ko.
"I don't hate the Grimoire of Astria. But the freaking council itself." Dagdag niya.
Naging seryoso ang ekspresyon ko at deretsong tumingin sa mga mata nito. "I promise you. I'll find the Grimoire of Astria and make things right." Determinadong sambit ko.
Kumurba ang labi ni Nasus sa sinabi ko. Balak na sana nitong magsalita nang pareho kaming nabigla nang makarinig ng malakas na pagsabog.
Agad kaming napatingin sa malalaking bintana ng academy kung saan tanaw namin ang baba ng burol.
Napaawang ang bibig ko nang makita kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. Nagmula ito sa capital ng Bernice sa baba ng burol.
Nagsimulang umapoy ang bayan.
Narinig ko ang pagismid ni Nasus habang nakatingin sa ibaba ng burol.
"Ang lakas ng loob nilang pumunta rito sa Bernice."
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Sila?"
Napunta ang tingin sa akin ni Nasus. Walang ekspresyon siyang sumagot.
"Yes, the 12 disciples."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "H-huh? 12 disciples?" Naguguluhang sambit ko.
Muling pinagmasdan ni Nasus ang kaguluhan sa bayan. Bakas sa mukha nito ang inis at ang pag kakaba.
"A group of witches. They call themselves, the 12 disciples of Astria." Pagpapaliwanag ng lalaking nasa harap ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. T-The 12 disciples of Astria?
"Mga wala silang takot at sumusugod sila sa mga bayan upang ipakalat sa mga tao ang kagustuhan ni Astria."
Hindi ko magawang makareact sa sinasabi nito. Bumibigat ang pakiramdam ko at sumisikip ang dibdib ko.
"M-Mga kagustuhan ni Astria?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Isang tango ang ipinakita sa akin ni Nasus. "They said that Astria, the greatest witch of all time, wants the witches to rule the world."
"Nag-aaya sila ng mga witches na suportahan sila. Gusto nilang gawing alipin ang ibang creatures."
Hindi ko magawang makasagot at humihigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
"Its all said that..." Muling sambit ni Nasus.
"They all use cipher spells."
Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig. Unti-unting umawang ang bibig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"C-Cipher spells?!" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"But those spells can be only found in the Grimoire of Astria!" Dagdag ko.
Mabilis akong pinakalma ni Nasus. "I know. Kaya nga malalaman mo ang totoo kapag pumunta ka sa Frencide."
Tinalikuran ako nito at nagsimulang maglakad papalayo.
"Hindi ko sila hahayaan na sirain ang magandang bayan kung saan nakatayo ang paaralan ko." Sambit ni Nasus habang naglalakad.
"Do what you need to do. I won't stop you for leaving in Mageía High." Dagdag niya.
Nagsimula na itong maglakad papalayo pero bago pa ito tuluyang mawala sa paningin ko ay may pahabol pa siyang sinabi.
"I'll entrust everything to you."
Hindi ko na nagawang makasagot nang tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
Kahit gusto ko mang makaharap ang mga tinatawag ni Nasus na disciples ni Astria ay hindi ko yon pwedeng gawin ngayon.
Sigurado akong magkukrus din ang mga landas namin kung totoo ngang may koneksyon sila Grimoire.
Sa ngayon ay kaylangan ko ng umalis dito at pumunta sa Frencide. Doon ko mahahanap ang mga sagot sa tanong ko.
Mabilis akong naglakad sa dulo ng pasilyo. Nang kumaliwa ako ay tila natigilan ako nang makita ang lalaking casual na nakasandal sa pader.
Umalis ito sa pagkakasandal at humarap sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at kumurba ang labi niya.
"What did I just heard Xena?" Nakangising sambit ni Raze.
"You're also after the Grimoire of Astria?"
•••