Isang linggo na kaming nandito ni Esme, wala kaming ginawa ni Esme kung hindi gawing pamilyar sa amin ang lugar na ‘to dahil na takot kaming dalawa sa naging banta ni Ishar sa amin tungkol sa magulang ni Esme. Alam naming hindi nag bibiro si Ishar sa sinabi niya kaya naman nagiging maingat kami sa mga kilos namin. “I can’t believe he threatened me,” galit na sambit ni Esme sa akin. She doesn’t take threats easily. “Me too, I didn’t know that he can be this low,” “A man with that kind of intellectual capacity? We don’t know kung ano pang kaya niyang gawin, a mind of a criminal,” umiling na sagot sa akin ni Esme. Napa buntong hininga nalang ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano kami makaka takas dalawa ni Esme. Bukas pa namin balak lumabas ng bahay para tignan kung

