Laverne's POV:
Nakatulala lang ako sa harap ng sasakyan, pilit kong hindi pinapansin ang taong nagmamaneho na kanina pa ata ako kinakausap.
BOOOGH!
Biglang huminto ang sasakyan na ikinasubsob ng mukha ko sa upuan.
"ANO BA?" sigaw ko kay Mr.Gregg na siyang nagmamaneho.
"Ms.Stanley,kanina pa kasi kita kinakausap.Hindi mo ko pinapansin" paliwanang niya na lalo lang ikinainis ko.
"Bago ko pa ihampas sayo itong gitarang katabi ko, siguraduhin mong hindi ka na lang bigla-bigla diyang magpreno!"gigil kong sambit na ikinatawa lang ng matanda.Peste talaga!
"Alam mo,maganda ka pa rin kahit naka eye glass, Ms.Stanley. Medyo malapit na tayo sa Mansion ng mga Vaughn kaya please lang, just go with the plan. You will be my daughter and I will be your father this time." he said .
"You know what,DAD.. Kung totoo mo akong anak,hindi rin ako papayag na ireto mo ako sa isang Mafia Boss."pairap kong sabi sa kanya.
"At isa pa, wag mo na lang akong kausapin this time. Gusto kong kalmahin ang sarili ko at baka doon ako sa Mansion na yun makapagwala", dugtong ko sabay tingin sa bintana ng sasakyan.
"Alright, as you wish, Charlotte Mendoza" nakangiti niya pang sabi at lalo akong nag alboroto.
The f**k with the Charlotte Mendoza?! I will be f*****g playing the role of the daughter of Gregg Mendoza. Damn it. Bakit ba kasi ito ang plano ng Agency? At kailangan ko pa talagang mag disguise? Duh.
Buti na lang at hindi Nerdy disguise ang pinagawa sakin katulad ng mga expected na scenario kundi magwawala ako at agad silang papatayin.
Sobra akong nanlulumo dahil sa mission na ito.Kung hindi lang kapalit nito ay ang katana na matagal ko nang gustong maging reward, hindi na ako mag aatubiling pumayag sa mission na ito. Iyon kasi ang reward na ibibigay sa akin sa oras na makumpleto ko ang mission,pero dahil nagmatigas ako, ibinigay na lang iyon sa akin ngayon.
Hinawakan ko ang gitara na nasa tabi ko ngayon.Nandito ang katana na galing pa sa Japan na siyang reward para sa gagawin ko ngayon.Well, worth it naman ang disguise at drama na gagawin ko para lang sa katana na to. Mahirap na no? Baka bawiin sakin kapag pumalpak ako.
But duh, never pa kong pumalpak sa mga mission ko. Of course, I am the famous Sweet Death. Sino bang underlings ang hindi nakakakilala sakin? Pero never mind, masyado ata akong humble tsk. Pinagmasdan ko uli ang gitara at nakatago sa hawakan nun ang katana na magsisilbing armas ko araw-araw.
Magpapanggap akong babaeng gitarista pero syempre,hindi mahinhing malandi tsk. Not on my vocabulary. Saka ko lang napansin ang dinadaanan namin ngayon. Medyo marami nang mga puno at mukhang pugad ng mga demonyo. Tss,Syempre biro lang!
Basta sobrang gloomy kasi ng paligid.May ganito pa lang lugar sa kamaynilaan?! Bigla ulit huminto ang sasakyan pero this time ay hindi naman ganun kalakas.
Bumaba si Mr.Gregg at tiningnan ang makina ng sasakyan. Bumaba na rin ako para makita kung anong meron.
"Anong problema,Tandang Gregg--"
Aba't...
"Sshh.. Tawagin mo kong Dad. Walang masyadong tao dito sa village na to,pero mostly kabilang sa Undergroud ang nakatira dito. Just watch and calculate your moves,ija" bulong niya at saka na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
Tumingin ako sa buong paligid at napansing sobrang tahimik ng paligid.
"Are you sure na village to? Simula ng dumaan tayo dito, wala akong nakitang bahay ni taong dumadaan man lang" taas kilay kong sabi sa kanya habang nakapamewang.
"Sa bandang dulo pa ang mga bahay. Mga siguro 5 hanggang 6 lang na bahay ang meron dito. Sakop kasi ang buong lugar na ito ng mga Vaughn." he explained and I just frowned.
Tiningnan ko ang sasakyan saka nagsalita, "May sira ba ang sasakyan?" Lumapit si Gregg doon at napakamot na lang sa ulo habang tiningnan nang mabuti ang makina ng sasakyan.
"Nagtataka ako Charlotte, wala namang sira ang makina" paliwanag niya. Okay, Charlotte. I'm Charlotte nga pala Tsk.
"Oh,really Dad? Anong gagawin natin?" medyo pa sarcastic kong tanong. Napadako naman ang mata ko sa likurang gulong ng sasakyan at nanlaki ang mata ko nang makita ang kutsilyong nakatarak doon.
"Look,dad!" pagtawag ko sa atensyon ni Mr.Gregg at ganun din ang pagkagulat niya sa nakita.
Parehas kaming nagkatinginan at unti-unting napangisi. Well, parehas kami ng iniisip.
Agad kong kinuha ang gitara na nasa loob ng kotse at hinugot sa hawakan nun ang katana na nakatago roon.
Si Mr.Gregg naman ay naghanda na sa posibleng mangyayari. Parehas kaming naglingon-lingon sa buong paligid. May naulinigan kaming paparating na sasakyan kaya agad akong umalerto.
Hindi na kami nag-aksayang magtago pa ni Mr.Gregg dahil talagang sasalubungin namin kung sino ang mga pesteng gustong kumalaban samin.
Nakikita ko na ang sasakyan kaya tiningnan ko si Mr.Gregg.
Saka ako tumakbo papalapit sa sasakyan at huminto. Tinanggal ko muna ang eye glasses ko at matiyagang naghintay sa sasakyan.
Agad napapreno iyon nang ilang agwat na lang ang pagitan namin.Napapikit ako sa alikabok na naibuga sa mukha ko.
"ANONG PROBLEMA MO b***h? BAKIT KA PAHARA-HARA DYAN?!" biglang bulyaw ng isang lalaking lumabas sa sasakyan. Pinagmasdan ko ang maangas niyang hitsura. Ripped jeans, a skull earrings, tattoo on the neck, at sinamahan pa ng pagmumukha niya. What a great combination!
"Ano? Di ka sasagot?" sabi ng lalaki sabay tulak sa akin. Pinanatili ko ang expression ng mukha ko.
Maya maya ay lumabas ang isang babae na may hawak na kutsilyo. Kung hindi ako nagkakamali, parehas iyon ng kutsilyo na nakatarak sa gulong ng sasakyan namin. Napansin kong nasa likod ko na rin si Mr.Gregg.Wala pa nga pa lang sindak ang mga to dahil pinahawak ko pala may Mr.Gregg ang katana.
"Hey babe. Ano bang meron sa b***h na yan?!" malanding sabi ng babaeng lumabas habang hinihimas ang kutsilyong hawak. Napangisi na lang ako sa sinabi niya.Sobra naman atang nahiya ang kalandian niya para idamay pa ko sa mga grupo ng mga slut sa mundo.
(to be continued...)