Someone's POV:
"Babe, ano bang gagawin natin sa Vaughn Mansion?" tanong sakin ni Marga,my girlfriend.
"Our gang needs to be present there. You know na subordinate tayo ng Vaughn Mafia kaya hindi tayo pwedeng hindi pumunta.If I'm not mistaken, this will be the last day para maghanap ng Mafia Queen si King Zachary", I replied at her.
"May nahanap na ba?"tanong naman ni Dominic.
"Wala pa" sagot ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Anim lang kaming pupunta ngayon sa Mansion dahil may mga ginagawa pa ang ibang gangsters. "Dude, may sasakyan sa harap natin oh", biglang sabi naman ni Gerald at agad kong inalis ang mata ko sa phone.Shit! nagmamaneho pa naman ako.
Medyo malayo-layo ang pagitan namin ng sasakyan na yun.
"Oo nga. How come na may ibang sasakyan dito sa village?" tanong ni Marga.
"Sa pagkakaalam ko din,tayo na lang dapat ang huling pupunta sa Mansion dahil kumpleto na daw sila lahat doon." biglang sabi Alvin na kasalukuyang hinahanda na ang baril niya.
"Baka mga spy sila" sabi ulit ni Gerald.
"Baka din naliligaw lang", bulong ni Wilson.
"Just prepare yourselves" I command at agad silang naglabas ng mga baril.
"Ako na muna ang bahala", presenta ni Marga sabay labas ng ulo niya sa bintana ng sasakyan.
Mabilis niyang pinatamaan ang gulong sa likod ng sasakyan na yun gamit ang isa niyang kutsilyo.
Napamangha na lang ako sa pagka asintado ng girlfriend ko dahil may maliit na tsansa lang na matamaan niya yun dahil hindi rin biro ang layo ng sasakyan namin sa sasakyang nauuna sa amin.
Saktong agad na huminto yun at itinago ko muna ang sasakyan sa madamong lugar dito para hindi kami pagsuspetsahan.
Natatawa lang ang mga kasama ko habang pinagmamasdan na lumabas ang dalawang tao sa loob ng sasakyan na yun. Isang babae at lalaki. Siguro ay mag tatay sila. Nakita rin namin kung paano takpan ng lalaki ang bibig ng babae.
"See that? Mga Spy nga ata talaga sila." biglang sabi ni Marga.
"Hindi kasi natin marinig ang sinasabi nila", inis kong sabi at sumenyas na pupuntahan namin ang dalawang yun. Pinaandar ko na ang kotse habang nakahanda na ang mga kasama ko sa posibleng maganap.
Papalapit na kami nang mapansin kong tumatakbo papunta sa amin ang babae. Nagpanic kaming lahat at mabuti na lang at mabilis ko iyong napapreno nang ilang agwat na lang namin ang natitira.
Inis akong bumaba ng sasakyan.
"ANONG PROBLEMA MO b***h?! BAKIT PAHARA-HARA KA DYAN?!" sigaw ko sa kanya.
Imbis na sagutin ay mukhang pinagmamasdan niya lang ako.
Bigla namang lumabas si Marga sa kotse at napansin ko ring nasa likod na ng babae ang lalaking kasama niya.
"Ano? Di ka sasagot?" sabi ko pa sabay tulak sa kanya. Ini expect kong papalag siya pero wala, sadyang wala pa rin siyang takot na makipagtitigan lang. Sa nakikita ko ngayon, mukhang wala naman tong mga ibubuga. Pero anong ginagawa nila dito sa village?
"Hey babe, ano bang meron sa b***h na yan?" tanong ni Marga at nasa kamay niya ngayon ang kutsilyo.
Masama lang siyang tiningnan ng babaeng nasa harap ko at nginisihan.
"200 thousand" biglang sabi ng babae sabay lahad ng kamay niya samin.
What the f**k?
"Anong 200 thousand? Hoy! Hindi ka namin kilala kaya wala kaming matandaang may utang kami sa inyo.Bitch",pagmamataray ni Marga.
"Tara na nga Babe," pag-aaya sa akin ni Marga sa sasakyan.Well, baka mga naliligaw lang talaga sila. Mag-aaksaya pa kami ng mga oras sa dalawang sira-ulong to.
"How much?" bigla nitong tanong sabay ang paglahad ng kanyang palad sa amin. Seryoso itong nakatingin sa akin na parang handa akong patayin any time.
Damn! Ako ang leader ng Gang namin pero ako lang ata ang nakakaramdam ngayon ng takot. Pa chill chill lang ang mga kasama ko samantalang hindi ko alam kung sino ba tong nakabangga namin ngayon na maaari naming pagsisihan.
"Huh? Anong how much?" tanong naman ni Alvin sabay lapit sa babae at tutok dito ng baril. Ni hindi man lang ito nasindak sa ginawa ni Alvin.
"How much. How much it will take for you to surrender your lives as your payment?" seryoso niyang sagot na lalo kong ikinasindak.
What the hell with this lady? She's f*****g terrifying!
"Wala nga kaming----"
SLAAAASH
At sa isang iglap ay napugutan na lang si Alvin ng ulo at ang mga dugo ay nagtalsikan sa amin.
Iwinasiwas niya ang katana sa ere na parang nanghampas lang ng langaw.
"AAAHHHH!" sigaw ni Marga at agad kaming dumistansya sa kanila sabay handa ng mga baril.
Saan galing ang katana na yun? Bakit hindi ko man lang nakita na inilabas niya yun bago pugutan si Alvin? Damn it! We're in f*****g trouble now!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
Sunod-sunod na pagpapaputok ni Wilson na ikinabigla ko. Pero mas lalo akong nabigla dahil walang tama kahit isa ang babaeng kaharap na namin ngayon.
"Ito ba ang hinahanap niyo?" nakangisi niyang ipinakita sa amin ang mga bala mula sa baril ni Wilson.
"S-sino ka ba ha?" nanginginig na tanong ni Wilson.
"I don't know" sagot niya sabay sipa kay Wilson at tumalsik ito sa gilid. Akmang babangon si Wilson nang biglang barilin ito ng lalaking kasama ng babae.
"Good job, Tanda" sabi ng babae sa lalaking bumaril kay Wilson.
"No problem,SWEET DEATH",
Napatigalgal kaming lahat sa pagkakabanggit ng Sweet Death?
Nilingon namin ang babaeng nakatingin lang samin ngayon.
Imposible! Siya si Sweet Death?
No! This can't be! Bakit nasa lugar na to si Sweet Death?!
"Hah.. S-sweet Death? Y-you must be kidding!" parang nababaliw na bulalas ni Marga.
"Uhh, Masyadong paepal kahit kailan si Tanda. Na reveal tuloy agad kung sino ako.." mukhang batang sabi ng babaeng to.
"YES, Sweet Death at your service", bigla niyang sabi sa amin sabay yuko.
"AAAHHHH!! NO! PLEASE SPARE US" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Marga. Maging ako ay natuod sa pagkakatayo.
"Uhuh, perhaps I'll spare your death if you're going to tell me what Gang are you in?" nakangiti niya saming tangong.
"C-crimson Skull..." tangi kong naiusal.
"Crimson Skull? The Gang with the 20th rank in the Underground Society? A subordinate of the Vaughn Mafia, An active Gang that kills even normal civilian? Crimson Skull Gang that has 200 gangsters? Am I right?" she playfully ask.
With these infos, she's probably Sweet Death. This will be the end.I hate to admit it, but with her as the dangerous assassin, wala kaming laban sa gaya niya.
Nagulat kami nang bigla na lang tumakbo sina Gerald at Dominic sa sasakyan.
"Sorry pre" natatarantang sabi ni Gerald at akmang pahaharurutin na ang sasakyan.
"NO! YOU'RE BOTH TRAITORS!! DON'T LEAVE US!" pagmamaktol ni Marga.
Tumingin samin si Sweet Death na ikinatakot namin. Akala namin ay sunod na kaming mamamatay kaso lumihis siya at tinungo ang sasakyang papaalis na sana.
"Sinong nagsabing pwede na kayong umalis? Hindi pa tapos ang laro natin" sabi niya at sinira ang pinto ng sasakyan sabay kaladkad sa dalawa. Inilabas ni Sweet Death ang dalawa at pinagbabaril ito ng lalaking kasama niya.
Habang abala sila sa dalawang yun ay sinenyasan ko si Marga at mabilis kaming sumakay sa sasakyan.
Nahagip ng mata ni Sweet Death ang pagtakas namin kaya taranta kong pinaandar ang sasakyan.Nakita ko pang mabilis na ding sumakay sila sa kotse nila.
Ngayon ay maghahabulan kami at sa kasamaang palad ay kami ang magsasalba ng buhay namin sa kamay ng isang babaeng hindi ko ninais makabangga noon pero ngayon ay siya nang humahabol sa amin.
Kahit anong tapang ko ay napatulo na lang ang luha ko dahil sa nangyayari. Kasama ko ang girlfriend ko na mamamatay. Ang sakit isipin na hindi na ko makakabalik pa sa Headquarters ng Gang namin. Hindi ko alam kung makakaligtas at tuluyan kaming makakatakas dito.
---------------------------------