Chapter 3 (Part 3):Crimson Skull will soon fall

747 Words
Author's Note: Pa bitin effect muna ako ng todo. Wag muna tayo sa action, punta muna tayo sa Vaughn Mafia bago kina Sweet Death.) At the Vaughn Mansion..... Zachary's POV: "King, ito na po ang huling araw ng paghahanap natin.Sana naman ay may pumasa na sa standards mo." nakangiwing sabi sakin ni Anastasia. Napahikab lang ako at pinagmasdan ang mga babaeng nakapila na naman ngayong araw. Well, kung wala talaga akong mapipili ngayon, it doesn't bother me after all. Pwede akong pumunta sa Mafia Grand Ball kahit wala pang Queen ang Mafia ko. The hell I care with a Queen in my Mafia. "Oh, kumpleto na ba to?" narinig kong tanong ni Evan. "Teka,hindi pa. Bullshit! Wala pa si Gregg Mendoza at ang anak niya" rinig kong pagmaktol ni Anastasia. "Tss, hayaan mo na. Ganon talaga pag matanda na.Mabagal maglakad" sagot naman ni Herbert. "Pwede naman tayong magsimula kahit wala pa sila.Baka natraffic lang yun", sabi naman ni Dylan at kinakalikot ang cellphone niya. "BWISIT!" nagulat ako sa pagsigaw ng isang gangster na nandito sa Mansion. "Ano ba yun, Carlo?"tanong ni Thomas. "Hindi kasi macontact phone ng Crimson Skull. Sila nalang kaya yung wala dito", iritable niyang sagot sabay balibag sa cellphone niya. Hindi ko sila pinansin dahil wala namang kwenta yun. "Simulan niyo na nga to" bagot kong sabi sa kanila. Agad namang ipinakita sakin ang isa-isang babae. "Next.." "Tss,Next" "Again,Next" "Damn it.Next" Ano ba yan? Wala naman ata talagang fit sa position ng Mafia Queen ng Vaughn. "King naman, tingnan mo kasi nang mabuti at pag isipan", utos ni Dylan na ikinataas lang ng kilay ko. "Again? Baka nalilimutan mo kung sino ako?!" "Ah..Eh, Sorry King", paghingi niya ng paumanhin. Laverne's POV: "Bullshit! Bilisan mo kasi!" gigil kong utos kay Mr.Gregg dahil nauunahan na kami ng dalawang yun. Peste naman kasi! Kasabay ng pagharurot ng sasakyan namin ay ang pagharurot at lalong pagbilis ng sasakyan nila. Buti na lang talaga at masyado silang tanga dahil hindi papasok ng village ang pagtakas nila. Ngayon ay maghahabulan kami at baka hindi pa ko nakakapasok sa Vaughn Mansion ay pumalpak na kami. "Wala na bang ibibilis ito?" tanong ko kay Gregg dahil inis na inis na ako. "Hindi tayo pwede mag exceed sa speed limit. Baka mahuli tayo,or worse mabangga tayo", aligaga ring sambit ni Gregg kaya napairap ako sa kawalan. Medyo malayo na ang agwat ng sasakyan namin kaya pinahinto ko sa kanya ang sasakyan. Taka niya kong tiningnan pero tinutukan mo siya ng katana kaya agad niya iyong pinahinto. "Anong balak mo ngayon?" nag-aalala niyang tanong. Lumabas ako ng sasakyan at lumipat sa driver's seat.Tinulak ko siya para makaalis siya doon. "A-anong gagawin mo?" taranta niyang tanong. "Takot kang mahuli at mabangga.Pwes, mas matakot ka dahil gagawin ko talaga yun," nakangisi kong sabi sa kanya at ganun na lang ang pagmamadali niyang isuot ang seatbelt. Tss, masyadong nerbiyusin tong matandang to. Well, alam naman niya kasing reckless driver ako at wala akong sinunod na traffic rules,so why bother?! Pagkaupo ay muli kong tiningnan ang kotseng pilit gustong tumakas sa mga kamay ko. Medyo malayo-layo na sila at malapit nang mawala sa tanaw ko. Mahigpit kong hinawakan ang manibela at muling lumingon sa matandang katabi ko na sobra ang kapit sa upuan at nakapikit na. Natatawa ako sa reaksyon nito.Paano pa kaya pag pinaandar ko na to? BRROOOOMMMM Agad kong pinaharurot ang sasakyan at halos magulat si tanda sa biglaang pagbilis ng sasakyan. Tutok na tutok ang mukha ko sa kotseng malalapitan na namin. Itinodo ko pa ang bilis ng sasakyan at halos masuka na si Mr.Gregg sa sobrang bilis nito. Konti na lang ....Konti na lang..... Ngiting tagumpay ako nang maging kapantay ko na ang kotse at nakitang takot silang nakatingin sa pwesto ko. Pinaharurot ulit nila ang kotse pero pinantayan ko lang din sila at ngayon ay binangga ko ang gilid ng sasakyan. Mas natuwa ako dahil nakipagbanggaan din sila kaya pinauna ko ang kotse namin at hinarangan ang dadaanan nila. "SWEET DEATH!! MABABANGGA NILA TAYO!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Mr.Gregg at tinatakpan na ang ulo. Matapang akong nakatingin sa kotseng sasalpok na sa amin. Heh, tingnan natin kung talagang matapang kayo. Nakatagilid lang ang sasakyan namin at sa pagbangga ng kotse nila, si Mr.Gregg ay tumalsik sakin kaya natawa ako nang makabangon ito. "Patay na ko? Patay na ba ko?"mukhang tanga nitong tanong sa akin. "Oo,patay ka na at ako ang sundo mo," ismid ko sa kanya kaya parang natauhan na rin siya. ----------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD