Chapter 6: She sings

714 Words
Laverne's POV: Iritable akong nakaupo ngayon sa swivel chair ng office ni Zachary. Naiwan lang naman ako sa Vaughn Mansion at heto, inis na tinitingnan ang lalaking busy sa pagtype ng kung ano sa laptop niya. Ang sarap saksakin ng lalaking to! Nakakapeste! "Can you make a coffee for me?", narinig kong utos niya habang tutok pa rin sa laptop. What's with this guy? "Ako ba kausap mo?" paninigurado ko sa kanya. "I'm sorry to tell you, pero yung multong katabi mo ata ang kinakausap ko", sarcastic niyang sagot sabay sara ng laptop niya. Tiningnan niya ako pero inirapan ko lang siya. "My coffee,please", ulit niya pa na ikinataas ng kilay ko. "Akala ko ba yung multo ang inuutusan mo? Bakit ka nakalahad sakin ng ganyan?" pagtataray ko sa pesteng lalaking ito. "Aiisshh, you don't know that it was just a joke? A sarcasm,huh?" inis niyang sagot. "Pwes,hindi nakakatawa ang joke mo. Corny huh,CORNY," at inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para lalong maasar. Bigla naman siyang ngumiti na parang tanga kaya agad akong napaiwas. "Hahahaha, so you're afraid of ghosts?" tanong niya na ikinangisi ko lang. "Why would I? Baka ikaw.." walang gana kong sagot at naglakad papunta sa vending machine. Kumuha ako dun ng kape at agad na nilapag sa mesa ng pesteng lalaking to. Nakangiti siya saking tumingin. "So, at the end, ikaw din lang ang sumunod", sabi niya na ikinaismid ko lang. "Tss" "By the way, I want you to use that guitar for me", sabi niya habang hinihigop na ang kape. Kinuha ko naman ang gitarang nasa likod ko at pinagmasdan iyon. Gusto niyang gamitin ko to para sa kanya? Ano kaya kung ihampas ko to sa mukha niya? O ilabas ko ang katana at tuluyan na siyang tapusin? Tss.. "What do you mean?" I asked him. "Why are you asking? Of course, play that guitar", nakangiti niya saking sagot. Bakit ba ngiti ng ngiti tong baliw na to? "Ganun ba? Sinisigurado ko lang, baka kasi ihampas ko to sayo kapag mali ako ng pagkakaintindi", sagot ko sabay irap. Well, hindi naman masamang tumugtog. I love playing guitar. Bukod sa assassination ay magaling din naman akong tumugtog at kumanta,so why bother? Tsk. Humarap ako sa kanya habang nakaupo siya sa swivel chair niya. Seryoso lang siyang nakatingin sakin kaya napairap muna ako bago kalabitin ang strings ng gitara. As I struck the first string, I felt a warm feeling inside me. Matagal-tagal rin bago ako makatugtog ulit nito kaya susulitin ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD