CHAPTER 12 KIANNA SOFIA Napatigil ako sa aking ginagawa nang tumunog ang intercom sa ibabaw ng aking mesa. "Miss Seville, coffee." "Yes, Sir." Agad kong sagot. Limang araw na kaming busy ni Thunder dahil sa dami ng kailangan naming habulin na deadline. Advantage rin sa kanya ang pagiging busy namin dahil wala siyang oras para makipaglandian sa akin. Lumabas ako sa maliit na kusina dala ang kape nito. Pumasok ako sa loob ng private office nito at nakitakung gaano kakalat ang loob niyon. Ibinaba ko ang kape sa ibabaw ng mesa niya. Inalis nito ang tingin sa laptop at inabot ang ilang folder para ibigay sa akin. "Give me a copy of Del Valle's proposal. After that, find Garcia. Remind him about the deadline." Maawtoridad niyang saad. Tumango ako at inabot iyon. "Is that all, Sir?" "For

