CHAPTER 14 KIANNA SOFIA "I need to talk to Marco this afternoon.. that will need at least half an hour. Schedule Hanz and his team in after Marco or maybe tomorrow." Pormal na sabi ni Thunder. "Understood, Sir." Pagkatapos niyon ay lumabad na ako sa private office niya at ginawa ang pinag-uutos nito. Nang ihatid ako ni Thunder kagabi ay nag-usap kami tungkol kay Lucia. Dahil matagal ang naging relasyon ni Vivian at Thunder ay naging malapit na rin ito kay Lucia. Nagturingan ang dalawa na magkaibigan ngunit lumayo na ang loob ni Lucia kay Thunder nang maghiwalay ang dalawa. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Thunder. Ramdam ko rin na wala na itong pagtangi pa kay Vivian kaya buo pa rin ang tiwala ko na hindi niya ako sasaktan. Napatayo ako sa aking desk nang pumasok ang isang emp

