Renzo POV Lumipas ang isang lingo na hindi ako nagpapakita kay Cassandra. Nagtetext lang ako sa kung nasaan at ano ang ginagawa ko. At naiintindihan naman niya ako dahil na rin sa mga sarili kong negosyo na kailangan asikasuhin. Maging ang negosyo ng pamilya ko ay ako rin ang pinamamahala ni Papa dahil ako ang panganay na anak. Nasa kolehiyo pa lang ang sumunod sa akin na kapatid ko. Ang bunso naman namin na si Jopanny ay wala pang interest sa negosyo kaya wala akong choice kung hindi tulungan si Papa sa pagpapatakbo ng aming mga negosyo sa Laguna. "Are you out of your mind, Renzo? Ano ba ang nangyayari sayo? Totoo ba ang nababalitaan namin na may nakakita sayo kasama ang anak ng isang magsasaka?" tanong ni Mama ng ipatawag niya ako sa library para kausapin kasama s

