Matagal na nakatitig si James sa kanya bago ito nakagalaw at ibinalik ang mga mata sa kanyang mga magulang. Alam niyang may galit ito sa kanya at sigurado siyang alam na rin nito ang nangyari sa kanila ni Renzo. Palagi na lang niyang iniisip kung papaano siya hihingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa niyang kasalanan dito. Kung makakaya lang niyang pagaanin ang loob nito ay ginawa na niya. "Nandyan ka pala anak..." Ang kanyang Tatay ang unang bumati sa kanya. At bigla niyang naalala ang kasama niyang driver na nasa likuran niya. "Kuya, pababa na lang d’yan sa upuan yung mga plastick." utos niya dito. Muli niyang hinarap ang kanyang ama. "Tay..." Lumapit siya sa mga ito at nagmano. "Bakit wala ang asawa mo?" Agad ay tanong ng kanyang ina na tumingin pa sa lik

