Napaungol si Yvonne nang maramdaman na may umaalog sa kanya. Inis na pumikit siya tsaka binalot ang sarili ng kumot. Hindi kasi siya masyadong nakatulog dahil sa pag-iisip. "Wake up! Wifey! Wake up!" Rinig niyang panggigising sa kanya ng kanyang anak. Ramdam niyang tumalbog-talbog ang kanilang kama. Hinila naman ni Jaze ang kumot na nakabalot sakanya. Napapikit siya ng mariin nang biglang sumalubong sa kanya ang sikat ng araw. "Jaze... Not now please, I'm still sleepy." Saway niya dito ngunit mas lalo lang siya nitong inalog-alog. "Jaze... Ano ba?" Napapikit at tinatamad niyang tanong rito. "Wifey! Daddy is here! Daddy is here!" Paulit-ulit nitong sabi sakanya. Tumango-tango naman siya. "Oh, tell Thunder to wait... Mmmm..." "Not him wifey! Daddy! My real daddy!" Bigla siyang napadi

