Nakatulala siya habang sinusulyapan ang kanyang cellphone na walang signal. Totoo nga talaga ang sinabi ng kanyang asawa na walang signal sa lugar na iyon at hinding-hindi siya makakauwi unless sasakay siya sa kotse ni Blaze. Wala kasing ibang sasakyan transportasyon doon maliban sa kalabaw. Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang ipaalam kay Thunder kung nasaan siya ngayon. Ni hindi nga siya nakapagpaalam sa lalaki dahil akala niya'y sasama lang siya sa isang simple one-day hangout ng kanyang mag-ama. Sigurado siyang nagaalala na sa kanya si Thunder ngayon. Hindi niya na kabilang kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Bahagya siyang napasinghap nang maramdaman ang brasong pumalibot sa kanyang bewang at yinakap siya mula sa likod. Naamoy niya naman ang pabango nito. "What's with

