CHAPTER 1

1368 Words
FRIAH'S POV: Hi, my name is Friah Vidah Ledezma, and I am 20 years old. I am a student who is graduating with a Bachelor of Science degree in art. "Kuya Aidan! Ang lapit lang ng condo mo sa school, bakit sinunsundo mo pa ako?" Naiinis kong reklamo sa kan'ya. P'wede naman kasing h'wag na lang akong sunduin, e. Sa kan'ya kasi ako nakatira, dahil malapit lang ang University ko sa Condo niya. May sarili naman akong room sa Condo niya, but we often slept in the same room. Nakasanayan na namin ang isa't-isa, kaya hindi na ako nahihiya sa kan'ya. Minsan pa nga ay magkatabi kami kung matulog. Ayos lang naman sa mga magulang namin, sanay na sila sa amin. Kaya panatag sila kahit nasa isang condo lang kami. Sobrang gwapo niya sa suot niyang long sleeve na puti na itinupi hanggang siko, habang ang pantalon niya ay kulay itim. Kaya naman halos lahat ng babae ay pinagtitinginan siya, lalo na ng mga dumadaan sa aming gilid. Sino ba namang hindi maga-g'wapuhan sa kan'ya? Aidan Keith Soleman, he's 30 years old but he has the most handsome face I’ve ever seen. He's tall, tough, and masculine appearance, with a muscular build, black hair, a deep voice, a square jaw, and broad shoulders. Ang angas niya pa manamit, parang model lang. "Baka kasi tumambay o gumala ka pa!" Sambit niya na tila naghihinala sabay tingin ng matalim sa akin. "Tamang hinala ka, e! Daig mo pa ang boyfriend ko!" Inis kong sabi sa kan'ya sabay irap. "At kailan ka pa nagka-boyfriend?" He looks at me with a serious look in his eyes. Bakit? Ayaw niya ba akong magka-boyfriend? College na ako, e! Lahat ng mga kaklase ko ay mga nagkaroon na ng boyfriend, ako na lang ang wala. Ni hindi ko pa nararanasan 'yung pighati ng iniwan ng isang jowa. Mapapa-sana all na lang ako. Ano ba 'yan! Tapos parang ayaw pa nito ni Kuya Aidan na magka-jowa ako, ang unfair niya! Siya nga nahuhulihan ko lagi na may kasamang babae. Tapos sa akin, bawal! Lugi naman ako do'n! "Huh!" Maang kong tanong sabay ngiting aso ko. Kunwari mayroon pero wala naman. Ang to-totoy ng mga nagkakagusto sa akin. Kung sana man lang kasing kisig sila ng kuya Aidan ko, e 'di sana may jowa na ako. Hinapit niya ang aking beywang, kaya agaran ang aking pagsinghap. "Iuuwi na kita!" Mariin niyang sambit habang nakatitig sa akin ng masama. Bakit naman siya gan'yan makatingin? Ayaw niya ba akong magka-boyfriend? Duh! Makakahindi pa ba ako, e mukhang ayaw niya nang bitawan ang beywang ko sa sobrang higpit niyang makakapit. At talagang napilitan akong maglakad dahil akay-akay niya na ako hanggang sa makarating sa kotse niya. Nang makarating kami sa condo niya ay hanggang sa kwarto ko ay sinundan niya ako. Dere-deretso siyang nahiga sa aking kama, habang ako naman ay dumeretso sa walk-in closet ko para magpalit na ng damit pambahay. Bata pa lang ako ay magkasama na kami palagi ni Kuya Aidan. He was 10 years older than me. Pero kahit gano'n ay gustong-gusto naming magkasama palagi o ako lang ang may gusto? Napatingin ako sa taas habang nag-iisip. Saktong magbibihis ako ng pang-itaas, nang pumasok siya sa walk-in closet ko kung nasaan ako ang kinaroroonan ko. "s**t! Kuya Aidan naman!" Inis kong singhal sa kan'ya. Alam niya naman na nagbibihis pa ako tapos papasok dito bigla. Pero imbes na lumabas siya ay niyakap niya pa ako. Halos manlaki ang mga mata ko sa kan'yang ginawa. "What the heck, Kuya! Ano bang trip mo?!" Halos nakataas na ang magkabilaan kong kilay sa pagtataka sa ginagawa niya. "Malungkot kasi ako, ang bagal mo pa magbihis!" sagot niya sa mababang tono. Nasisi pa nga! Bakit naman kaya? Sana 'no pinahintay niya ako na magbihis bago niya ako yakapin. "Bakasyon na kayo 'di ba?" Tanong niya habang hinihimas-himas ang aking tyan. Napatingin naman ako sa kamay niya na marahan ang paghimas sa aking tyan. Nagdudulot iyon ng kiliti sa aking kaibuturan. "Bakit? Magbabakasyon ba tayong dalawa?" Excited kong tanong sa kan'ya sabay harap ko sa kan'ya, nakalimutan na naka-bra nga lang pala ako. Kitang-kita ko na napatingin siya sa malulusog kong dibdib. Pinaningkitan niya ako nang makita ang mapaglaro kong ngisi. Akala ko ay bibitawan niya na ako pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap niya sa aking beywang. "Oo," sagot niya sa namamaos na boses. Parang hirap na hirap siyang umoo sa tanong ko. "Saan tayo pupunta?" Nakangiti kong tanong sa kan'ya. Iginilid ko pa ang aking ulo at nagpa-cute, showing him my dimples. "Gusto mo ba sa beach tayo?" "Kow! Mangba-babae ka lang do'n, e!" "Hindi, ah!" "Sigurado ka?" Nakataas kilay kong tanong. Ginulo niya ang aking buhok at tinawanan ako. "Mapaghinala ka ha, daig mo pa ang girlfriend ko!" Sambit niya na ikinataas ng aking kilay. "Kailan ka pa nagkajowa? Parang wala naman ako nakikita. 'Yung mga nakikita ko puro kalantari mo lang!" Sinamangutan niya ako sabay tusok niya sa tagiliran ko na ikinahiyaw ko. "Aaahhh! Kuya!" Sabay tulak ko sa kan'ya ngunit imbes na makawala ako ay lalo niya akong hinapit sa kan'yang katawan. Naramdaman ko ang alaga niya na napakatigas. Sa sobrang hiya ko ay namula ang aking pisngi. Tila napagtanto niya ang naramdaman ko kaya mabilis niya akong binitawan at tumikhim sabay talikod niya. "Ang bagal-bagal kasi magbihis, e! Bilisan mo d'yan at lumabas ka na!" Sambit niya habang palabas ng walk-in closet ko. Tss! Kanina ko pa kasi pinalalabas tapos rereklamo ng matagal matapos akong yakapin, siraulo talaga! Nang makapagsuot ng blouse ay agad na akong lumabas ng silid. Natagpuan ko siya sa sala na inaayos ang pagkain namin na tinake out sa Jolibee. "Oh, halika na kakain na tayo, Fri!" Yaya niya sa akin na agad naman akong umupo sa tabi niya. Ito talaga habol ko sa pagtira ko sa kan'ya. Palaging may libreng food. Hindi katulad sa boarding house ko dati. Puro pera ko lang ang pambili ko, kaya naman palagi akong kapos at kadalasan puro noodles at de lat lang ang mga kinakain ko. Ayoko naman hunngi ng humingi sa magulang ko, hindi rin naman kasi kami mayaman. Ngayon ay nandito na si Kuya Aidan kaya sobrang swerte ko. Dahil nalilibre na ako, ang galante niya pa. "Kailan alis natin? Sabado na bukas!" Sambit ko sa kan'ya sabay subo ng frenchfries sa bibig niya. Natulala pa ako sa labi niyang mapupula habang ngumunguya siya. Pogi talaga nito ni Kuya Aidan. 'Di lang p'wede gawing boyfriend, e! Kung P'wede lang, sinunggaban ko na agad ang labi niya na parang kay sarap halikan. "Kinakabahan ako sa tinginan mo na 'yan! Parang gusto mong lapain ang labi ko, ah!" Sita niya sa akin na ikinanguso ko. Bakit masama bang tignan ang mapupula niyang labi? Makasalanan na ba ako?! Dumampot ako ng sampung fries at lumuhod ako at halos dumikit na sa kan'ya sabay pasok no'n sa bibig niya. "Kung ano-anong napapansin mo sa akin! Ito lapain mo ito!" Sabay kagat ko ng pang ibabang labi ko habang pilit kong ipinapasok iyon sa bunganga niya. Hindi ko na napansin na napaupo na pala ako sa kandungan niya at nakahawak na siya sa beywang ko. Naramdaman ko lang ng may tumusok na matigas sa aking kepyas. Mabilis akong umalis sa kandungan niya at nagmaang-maangan na walang naramdaman. Sabi ko nga kakain na lang ako. Kung ano-ano pa kasi ang ginagawa ko. Ayan tuloy kung ano-anong nangyayaring kababalaghan sa aming dalawa. At bakit naman kasi palaging ang tigas-tigas no'ng kan'ya? Ano ba kasing iniisip niya? H'wag niyang sabihin na naaakit siya sa katawan ko? Sabagay, sexy at malaki naman talaga ang hinaharap ko kaya malamang ay maaakit siya sa akin. Nang sulyapan ko siya ay busy na rin siya sa pagkain niya, ni halos hindi na siya tumitingin sa akin. Ay, sus! Nahiya na ata ang lolo mo! Ni hindi na hiya nang tumusok ang matigas niyang espada sa monay ko na malambot. Pero gaano kaya kalaki ang kargada niya? Pasimple akong tumingin sa baba niya pero muling kong iginalaw pataas ang aking mata nang tumimgin siya sa akin. Muntikan na 'yon, Fri! Bruha ka kasi, bakit kailangan mo pang manilip?! Nakakahiya ka, oh my God!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD