Friah's POV:
Nagising ako na masakit ang ulo sa tabi ni Kuya Aidan, habang siya ay himbing na himbing ang tulog. Napaawang ang aking mga labi nang mapansin ang kan'yang braso na nakapulupot sa akin.
Shit! Fria, parang 'di ka na masanay-sanay na ganyan lagi ang eksena niyo sa tuwing gigising ka, na nakakasiksik ka sa dibdib niya at siya ay nakapulupot ang braso sa beywang mo, at kung minsan pa ay nakahawak sa aking malulusog na dibdib na hindi ko naman pinapansin. Alam kong tulog siya at hindi niya siguro iyon sinasadyang mahawakan, kaya binabalewala ko na lamang.
Marahan kong tinanggal ang nakapulupot niyang braso sa aking beywang at marahang bumangon. Nagderetso agad ako sa cr upang makapag-shower na.
Matapos mag-shower ay nagderetso ako sa kusina. Nagbukas ako ng ref at inilabas ko ang p'wede naming almusalin ni Kuya Aidan.
Agad akong nagprito ng hotdog at ham. Pagkatapos ay nag-toast ng tinapay. Maya-maya lamang ay nakita ko na si Kuya Aidan na lumabas ng room at bagong paligo na rin.
"Mornin'," sambit ko nang makaupo siya sa harap ko.
"Morning," tugon niya sabay hikab.
"Kain na tayo," sambit ko pagkalapag ng mga pinirito kong pagkain.
Agad naman siyang dumampot ng hotdog at ipinalaman iyon sa tinapay. Pagkatapos ay tinitigan akong mabuti, na ikinataas ng kilay ko.
Bakit naman kaya siya gan'yan makatingin? Naano na naman kaya siya?
"Wala ka bang natatandaan kagabi?" Tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa itaas at nag-isip kung may ginawa ba akong 'di kaaya-aya kagabi. Ngunit kahit anong piga ko sa utak ko ay wala akong maalala kaya naman ngumiti ako sa kan'ya pagkatapos.
"Wala naman, bakit ano ba 'yon?" Taka kong tanong. Baka nga kasi may ginawa akong ka-abnormalan, nakakahiya sa kan'ya. Kahit pinsan ko siya ay nahihiya din naman ako, 'no! Lalaki parin siya at babae ako. Hindi parin maganda na may kalokohan akong ginawa sa kan'ya tapos hindi ko pala alam.
"Talaga?" Usisa niya pa na ikinakunot ng noo ko.
Talaga atang may ginawa ako sa kan'ya! s**t! Napahawak tuloy ako sa aking dibdib sa kaba.
"Wala talaga akong matandaan, e! Sabihin mo na kasi kung mayroon man," nakanguso kong sambit.
Nginitian niya lang ako ng nakakaloko pagkatapos ay umiling lang.
Loko talaga 'to, pinakaba pa talaga ako. Hays! Wala naman pala.
"Ang mabuti pa, pack your things. Para maaga tayong makaalis mamaya," sambit niya sa akin.
"Anong oras ba kasi tayo aalis?" Tanong ko sa kan'ya.
"After lunch," sagot niya na ikinatungo ko.
Matapos kami kumain ay dumeretso na ako sa aking silid upang mag-prepare ng mga dadalhin ko, habang siya ang naghugas ng aming pinagkainan.
"Wala ka ba talagang naaalala?" Koryosong tanong ni Kuya Aidan, matapos sumunod sa aking silid.
Sa kakatanong niya sa akin no'n ay para ngang may ginawa akong hindi kanais-nais kagabi.
Sasagutin ko na sana siya, nang may biglang nag-notif sa f*******: ko.
Rowan:
Hi, good morning. Gusto sana kitang yayain ng dinner mamayang gabi, kung okay lang sa'yo?
Shocks! Ang crush ng campus nagchat sa akin. Grabe ang haba ng buhok ko. Talaga bang niyayaya niya ako? O biro lang ito? s**t! Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng todo. Baka mag-boyfriend na ako, soon.
"Why do you keep on grinning?" Nagtatakang tanong ni Kuya Aidan sa akin.
Nang hindi ko siya sagutin ay hindi ko napansin na nakalapit na pala siya at bigla na lang niyang hinablot ang hawak kong cellphone.
"Sorry na lang sa kan'ya. May lakad tayo!" Malaki ang ngiti niya nang ibalik niya sa akin ang cellphone ko.
Awang ang aking bibig at hindi makapaniwala. Talaga atang ayaw niya akong magka-boyfriend. Humanda siya, hindi ko rin hahayaang magka-jowa ka! Naniningkit ang aking mata, habang nakatingin sa kan'ya.
Sa sobrang tutok ko sa mukha niya ay hindi ko na napansin na hawak-hawak niya na ang puti kong bikini.
"What the heck, Kuya Aidan?" Sita ko sa kan'ya, habang sinisipat-sipat niya iyon.
Bigla ay namula ang aking mukha sa nakitang ginagawa ni Kuya Aidan.
"May balak ka bang suotin 'yan?" Sita ko sa kan'ya, nang hindi niya parin binibitawan ang bikini ko.
"Tinitingnan lang naman, ba't ba ang damot mo?" Sabay nguso niya.
"Bakit mo naman kasi titingnan pa 'yan?" Nagtataka kong tanong.
"Syempre, 'pag nagka-girlfriend ako, ganyan ang bibilhin ko para 'di na ako mahirapang mamili pa," palusot niya pa.
"Sus!"
Nang makita niya ang t-back ko ay namilog ang mga mata niya na wari bang hindi makapaniwala na may gan'on akong panty.
Nang dilaan niya ang labi niya ay napalunok ako bigla. Tila bigla ay nagkaroon ng bara ang lalamunan ko, kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya, lalo nang makita ko na namumula ang pisngi niya.
Shit! Ano kaya ang naisip niya, habang tinitingnan ang t-back ko?
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-iimpake at nang matapos ay binuhat ko na at inilagay sa upuan sa living room.
Hindi rin naman nagtagal ay nagpasya na kaming umalis na ni Kuya Aidan. Nagkagulatan pa kami na parehas ang kulay ng pang-itaas namin na damit na kulay pula at parehas din kaming naka-suot ng shorts.
"Daan tayo sa grocery sa baba, para may food tayo sa daan," sambit niya na agad kong sinang-ayunan.
Sa tuwing may nakakasalubong kami sa pagbaba namin ay palaging silang napapatingin sa aming dalawa. Lalo na kung babae, sa una ay mabibighani kay Kuya Aidan, ngunit kapag nakikita ako ay bigla na lamang sumisimangot. Siguro ay inaakala nila na mag-jowa kaming dalawa, kahit hindi naman.
Ito kasing halimaw na ito, e. Gaya-gaya ng kulay ng suot, ayan tuloy! Pa'no na ako makakahanap ng jowa nito? Tapos panay akbay niya pa, lalo na kapag may lalaki kaming makakasalubong.
Nang makasakay kami ng revo niya ay saktong may nagtext sa akin.
Lisa:
Saan ka?
Me:
Papuntang Batangas, ikaw?
Lisa:
Tinatanong ka sa'kin ni Rowan, asan ka daw? Sabi ko, tatanongin kita, e. Uy, feeling ko... crush ka niya!
Me:
Weh?
'Di ko tuloy maiwasang kiligin.
"Ginagawa mo?! Ang mabuti pa, aliwin mo ako para hindi ako antokin sa byahe. Hindi 'yung panay ang text mo lang d'yan!" Reklamo niya na ikinasimangot ko.
Grabe, ang kj talaga ng lalaking 'to! Minsan lang magtext, e.
"Okay po, kamahalan!" Sabay singkit ng aking mga mata.
"Iyan, ganyan nga!" Nakakaloko ang ngiti nito na inirapan ko na lamang.
Nang maisip ang bitbit naming grocery ay naghalungkat ako ng juice at sandwich.
Kakagat na lang sana ako nang masilip ko siyang lumunok. Kaya naman nagdesisyon akong una siyang subuan. Ngingiti-ngiti pa siya nang matapos kong subuan at painomin na wari mo'y kinikilig.
Grabe, ang babaw ng kaligayahan nito! Kala mo naman crush ng crush niya.
Hapon na nang makarating kami sa bahay ni ate Abby sa Batangas. Simula sa pinagparkingan namin ay tanaw ko na ang dagat na napakaganda, kaya naman agad akong napababa ng sasakyan. Agad kong naramdaman na umihip ang sariwang hangin sa aking mukha, kaya naman ay napangiti ako.

Parang bigla ay nakaramdam ako ng pagkasabik sa dagat, kaya naman hinubad ko ang aking pang-itaas at ang aking shorts. Tanging natira lamang na suot ko ay ang string bikini ko na kulay pula.
Tumikhim si Kuya Aidan, kaya naman napabaling ang atnesyon ko sa kan'ya.
"I'll follow you as soon as I put our bags inside the house," sambit niya na tinanguhan ko na lamang.
Tss! Parang boyfriend lang talaga kung makapagmando. Sabay buntong-hininga ko, marahan akong naglakad patungo sa buhanginan. Walang tao kaya naman agad na akong lumusong sa dagat.
Maya-maya lang ay natanaw ko na si Kuya Aidan sa 'di kalayuan at naglalakad na palapit sa akin na nakahubad-baro at tanging swimming trunks lamang ang suot.
Shit! Agad nag-init ang aking pisngi, nang masulyapan ko ang napakaganda nitong katawan. Hindi ko maiwasang mamangha sa mala-pandesal nitong tiyan at ang braso niya na, kay sarap hawakan sa tigas niyon. Ilang beses ko ng nahawakan iyon, kaya alam ko ang pakiramdam, lalo na nang mapadako ang aking mga mata sa umbok sa baba ng kan'yang ummph... s**t! Sumang malagkit! Ilayo mo po ako sa tukso. Bakit naman kasi bakat na bakat ang malaki niyang saging sa suot niyang panligo.
Diyos ko po, Lord! Ang inosente kong mata ay nababahiran ng kalaswaan. Nawa'y mailayo ninyo ako sa umbok na iyon.
"Teka lang!" Agad kong sambit sa kan'ya, nang makalapit siya sa akin.
"What? Why?" Nagtataka niyang tanong, sabay ngisi.
Tumalon-talon ako at umatras sa malalim na bahagi ng tubig, upang hindi kami magdikit.
Kow! Lord! Sabi ko ilayo mo ito, bakit naman lalo itong lumalapit sa akin. Sige ka, paghinayaan mo 'yang lumapit, mapapasubo ako bigla. Ay, iba 'yang nasa isip mo, Lord. Ikaw ha!
Hindi nga nagtagal ay nakalapit si Kuya Aidan sa akin nang lumalangoy. Agad niyang ipinulupot ang braso niya sa aking maliit na beywang. At agad nakaramdam ako ng init mula sa kan'yang kamay na dumantay sa aking tiyan na dumaloy sa aking kaibuturan.
Nararamdaman niya kaya ang nararamdam ko? Ako lang ba ang nag-iisip ng ganito sa kan'ya? O sadyang nahihibang na ata talaga ako? Kailangan ko na ata talagang makahanap ng boyfriend, para makaiwas ako sa kan'ya. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa tuwing magkakadikit ang aming katawan.
Sinilip ko ang kamay niya sa aking tiyan, na marahan na humahaplos.
Gustong-gusto ko nang itanong sa kan'ya kung bakit niya ako hinahaplos ng gano'n at bakit sa tuwing ginagawa niya iyon ay nag-iinit ang aking katawan. Konti na lamang ay malapit ko na siyang halikan. s**t!