Friah's POV: Alas dos pa lamang ng madaling araw nang magising ako sa aking kama. Nangyari na naman ang bagay na kinakatakutan ko. Lumagpas na naman ang isang araw na hindi ko alam o namamalayan ang nangyayari sa aking paligid. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang aking katawan, kahit na ang alam ko ay natutulog lang naman ako. Ni hindi ko alam kung paano ako nakalipat sa silid kong ito at kung paano ako nakapagpalit ng damit. Tumayo ako at naglakad patungo sa silid ni kuya Aidan. Hindi ko alam kung bakit tila hinihila ako ng aking mga paa sa kan'ya. Pakiramdam ko ay kay tagal ko siyang hindi nakita. Kaya naman mabilis ang aking hakbang at naglakad patungo sa loob ng silid niya. Nang makitang himbing na himbing ang pagtulog niya ay marahan akong lumapit sa kan'ya at umunan sa braso niya

