Isabella's POV "P-paano mo naman nasabi na si Senyor Ariel ang pumatay kay Tera? Akala ko ba, nagpakamatay siya?" Naghugas ng mga kamay si Gun at saka ako hinila sa tabi ng mesa. Naupo kami nang magkaharap. "Bago tuluyang umalis si Tera, ipinangako niyang babalik siya. Narinig iyon ng mga tauhan ko. So, I doubt that she would kill herself. At wala rin sa ugali ni Tera ang gagawa ng ganoong bagay." "Pero bakit naman siya papatayin ni Senyor Ariel? A-anong dahilan?" "May video si Tera ng ginagawa sa kaniya ni Papa. May ebidensya rin siya ng mga criminal activities nito. Nakatago iyon at siya lang ang tanging nakakaalam kung saan. Para patahimikin, pinalabas ni Papa na nagpakamatay siya." Gumapang ang kilabot sa buong sistema ko. Sukdulan na talaga ang kasamaan ni Senyor Ariel. Hindi ma

