Isabella's POV "Hoy, ikaw!" Kasalukuyan akong naglalakad sa ground floor ng company ng Glamorous at kausap ang isang staff nila na dati kong kaklase sa kolehiyo. I went here to sign a two years contract with them, bigla naman dumating si Maxine. "Mabuti naman at nakita na kita! Kaninang umaga pa kita hinahanap!" "Oh?" Tinanguan ko siya matapos magpaalam ng kaibigan ko. "Bakit mo naman ako hinahanap?" "May ibibigay kasi ako sa iyo!" "At ano naman iyon?" "Wedding invitation ko!" Natigilan ako sa sinabi nito. Ang inaasahan ko ay magagalit siya at ikakansela ang kasal nila lalo pa't napahiya siya sa mga kaibigan niya kagabi. I guessed, it wasn't the case. "Oh, talaga? Sure, let me have it." Nilahad ko ang palad ko. Binuksan niya ang pouch niya at inilabas ang isang blush colored invi

