After our dance, pumalakpak ang lahat. Confident ako sa kinalabasan ng performance namin, hindi kami nagkamali. Pagbalik namin sa back stage, nagyakapan kaming lahat dahil successful lahat ng sinayaw namin. “Sabi ko naman sa inyo, magagawa natin,” ani ko. “Galing niyo talaga!” sabi naman ni Ira habang pumapalakpak pa rin. “Paano ba ‘yan? Panalo na tayo,” ani Peter habang tumatawa pa. “Binuhat ba naman tayo ni Rico at Silvina!” ani Richard. “Oo nga, lakas kapit natin,” sabi pa ng isa. Tinawanan na lamang namin sila ni Rico, nang dumating na ang susunod na magpe-perform ay lumabas na kami. Napayakap na lamang ako bigla kay tita nang dali-dali siyang tumakbo patungo sa akin at kaagad na niyakap. Tipid na ngumiti naman ako nang makita ko na si tito Pierre na nasa likuran ni tita, may

