Nang makalayo na’ko ay kusang tumigil na lang ang mga paa ko. Tumabi na ako sa gilid ng kalsada at nagpahinga muna. Hindi ko pa alam kung paano ako makakauwi, namamanhid na ang mga paa ko dahil sa pagtakbo ko. Tinanggal ko na rin at tinapon ang contact lens sa basurahan na nakita ko. Tumungo na lang ako upang hindi nila makita ang mga mata ko kung sakali man na may dumaan. “You’re so stupid, Silvina,” nasabi ko na lamang sa ‘king sarili. “I see, something happened, huh?” Nanlaki na lang ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Sergio, pag-angat ko ng aking ulo, bigla na lang bumuhos ulit ang luha sa mga mata ko. Niyakap niya na’ko kaagad nang makita ang mga mata ko. “What the hell happened? Anong ginawa niya sa’yo?” “Kailangan ko munang umuwi,” sambit ko sa kalagitnaan ng pag-iya

