“Hey, Silvina?” Hindi dapat ako nagpapaapekto ngunit parang nakokonsensya ako. “Silvina?” “What?” ani ko pagbaling ko ng tingin sa kanya. Natulala na naman ako, hindi ko lang inaasahan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, hindi nga ako makatulog kagabi. Hindi ako nakailag sa mga salitang binitiwan ni Richy, tama naman siya sa lahat ng sinabi niya. Ang hindi niya lang alam kung ano ang tunay kong dahilan, hindi niya alam kung anong nangyayari sa buhay ko kaya nagawa niyang sabihin ‘yon. Hindi naman ako galit, naiintindihan ko siya. Mas okay nga na sinabi niya ‘yon, naging tapat siya sa akin. “Are you okay?” Tumango ako at ngumiti. “Salamat, Dewill.” “Wala naman akong ginagawa,” aniya. “Palagi kang nand’yan sa tabi ko. Sapat na ‘yon,” sambit ko at napangiti

