Chapter 2

1056 Words
Kumakain kami ngayon sa isang resto na pag mamay ari ng kanilang tito hilario, at balak pa sana naming mag bar after namen dito pero biglang tumawag ang kuya ni Jacky na . masungit kuno at sinabing mag e stay daw ito ngayon sakanilang bahay at papasok na kinabuksan dahil marami daw dapat asikasuhin kaya ang ending ng lakad sana namen ay Hindi matutuloy,kaya napagkasunduan nalang namen dalawa na dadaan muna kami sakanila saka ako ihahatid ni jacky.. "wow! grabe bahay paba yan konti nalang parang mall na ata sa laki !" manghang turan ko,eh sa sobrang laki ba naman diko akalain na ganito.. "malaki nga boring naman,next time dito ka matulog ha may malaki namang garden sa likod at dun pwede tayong tumambay puro sila manang elice, kuya kanor at iba pang kasambahay lang kasi ang madalas kong makasama dito." may halong lungkot sa mga mata niya kaya napa SIGE nalang ako sakanya na ikinatuwa niya.sa yaman at sobrang laki ng bahay nila,dimu iisiping sa kabila ng marangyang buhay n.a. natatamasa nila ay may lungkot parin akong nakikita sa mga mata nya na kahit madalas nkangiti ay hindi niya maikakaila saakin na hindi siya masaya.. Pag pasok namen sa napakalaking bakuran ng bahay nila ay may narinig agad kaming nagtatawanang mga lalaki sa bandang sulok malapit sa pool nila kaya Dali Dali kaming pumunta sa kinaroroonan ng ingay at nandun nga ang tatlong lalaki na ubod ng gwapo. bat ganun parang sinalo ng mga to lahat ng kagwapuhan nung nagpaulan si god? tanong ko sa sarili kong isip nang may biglang magsalita sa likuran namin na lalaki na ikinalingon ng tatlong lalaki. "bakit ngayon ka lang?it's already 7pm at nasa labas kapa hindi man lang ako ininform ni dad na lagi palang may OVERTIME sa office." yung boses niyang maawtoridad na nakakatakot pero parang ang sarap pakinggan..Agad kaming napalingon ni jacky sa nagsalita at halos malaglag na ata ang panty ko sa itsura at ganda ng katawan neto.Kung gwapo ung tatlo kanina ay sobra sobra naman itong isang ito na kung itatabi mo sa tatlong lalaki na andito ay maihahalintulad mo lang sila na parang body guard ng nilalang na ito.Napaka perpekto pati ng katawan na kahit naka navy blue v-neck shirt ito ay kitang kita parin ang laki ng dibdib at mga pandesal sa katawan pati mga braso ay parang puputok sa laki ng muscles. YUMMY naman this guy grrrr! Napa aaaah? nalang ako ng tapikin ako ni jacky na kanina pa pala ako kinakausap. takteng yan nakakahiya natulala pala ako ng husto naglaway ba ako? sana hindi. napailing iling nalang ako sa pagkatulala ko dahil dito tsk. "Hey jacky pwede baka pwede mo naman kaming ipakilala sa maganda mong kasama." Sabi ng isang gwapong lalaki at lumapit naman kami Doon pero bago ako humakbang ay napalingon ako sa aking likuran at saktong nagtama ang mga mata namin ng lalaking nakapagpatulala saakin kani kanina lang. s**t! tinititigan ba nya ako? "Guys this is Shane Cruz she is my assistant and friend." "hi!I'm Carl Hughes nice to meet you Shane." agad namang naglahad ng kamay ito. so Carl pala ang pangalan niya,sumunod na nagpakilala ang dalawa na ikinangiti ko sa gwapo ba naman nila.ang isang mukang tahimik ay nag ngangalang Eric at iyong isa naman na parang maraming hangin sa ulo dahil sa kapreskuhan for short mayabang ay si David. gwapo kasi kaya may reason naman para mag mayabang,kaso diko type ang presko. sabi ko sa isip ko. " Hi Shane! may boyfriend kanaba or asawa?" tanong ni David sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.sasagot na sana ako ng magsalita si jacky sabay hablot sa kamay ko na Halos ayaw na atang bitawan ni David. "hay naku David! tigil tigilan mo yan si Shane kung ayaw mong mabato ng heels na suot ko ngayon!" sabi ni jacky na ikinangiti ko sabay peace sign ni David dito. napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita. "I'm Jake Smith kuya ni Jacky." sabay lahad ng kamay saakin para mkipag kamay.so siya pala ang kapatid ni jacky.bakit Hindi sinabi ni jacky saakin to knina o hindi ko lang narinig kasi natulala ako knina? "Nice meeting you po sir Jake." sagot ko ng magkamayan kami pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba na akala mo may kuryenteng gumapang sa buo kong katawan kaya napabitaw agad ako sa kamay nya.Bat ganun? "Kuya ihahatid ko lang si Shane pauwi babalik din ako kaagad." Sabi ni jacky matapos nameng magpakilala sa isat isa,pero biglang kumunot ang noo ng kuya ni Jacky sa sinabi niyang iyon. "No! sila Carl nalang ang maghahatid sakanya." lumingon ito sa gawi ni Carl at pinakatitigan ito saka umayos at tumayo na nga si Carl habang pangiti ngiti. "Oo ako nalang maghahatid Kay sexy pauwi narin naman na ako." kumindat pa ito saakin na ikinapula ata ng pisngi ko,sasagot pa sana itong si david na siya nalang maghahatid saakin pero bigla itong binatukan ni jacky.pumayag naman ako sa pagsabay Kay Carl dahil sabi ni jacky ay mabait ang mga ito lalo na si Carl mapagbiro lang daw talaga minsan. Habang nasa byahe kami,hindi ko maitatangging masarap itong kausap at madali kaming nagkasundo ni Carl,madaldal ito at halos hindi maubos Ubos ang joke neto at syempre ako naman ay halos maiyak na kakatawa hanggang sa Hindi ko namalayan na malapit na pala kami kung saan ako nangungupahan.pinagbukas niya ako ng pinto at humarap sakanya. "Thanks Carl sa paghatid at sa pagpapasaya saakin." "Your welcome Shane,mag isa ka lang ba dito?" "Oo yung friend ko kasi na dati kong kasama ay nasa abroad na. " "Sayang Hindi ko man lang siya nameet panigurado akong maganda din iyon gaya mo." "hayaan mo kapag umuwi siya at nagkita ulit tayo ipapakilala kita sakanya." nakangiti kong sabi sabay kindat sakanya na ikinangiti din niya. " Oh sabi mo yan ha,so ingat ka ha I should go now." pagpapaalam niya saakin na tinanguhan ko naman. "sige ingat ka din thank u ulit." sumenyas ito na aalis na pero bago niya paandarin ang sasakyan ay nagsalita muna ito. "Basta ikaw sexy." sabi niyang nkangiti na nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya saka tuluyang umalis.napangiti nalang ako sakanya kahit pa malayo na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD