Chapter 1

2059 Words
Make Me Pregnant KAYLA'S POV "What? Are you serious about this?" kina-pula na kaagad ng aking mukha na marinig ang nakaka-hindik na balita ng Lolo Fernand na dumalaw ito sa aking Opisina. "Hindi ko magagawa ang hiling niyo sa akin." "Pumayag kana Kayla, hindi naman mahirap ang pabor ko sa'yo na ito." Nangamatis pa lalo ang mukha ko sa sagot nito na para lamang ang dali para sakanya na gawin ang kanyang pinag-uutos. Hindi lamang simpleng trabaho sa kompaniya ang pinapagawa sa akin kundi pinipilit nito na mag pakasal na ako. "No, kahit pilitin niyo man ako, hindi ako papayag, Lolo." Pag mamatigasan ko pa rin na salita dito at ang itsura ng kanyang Lolo nakikipag kompitensiya na rin sa akin na hindi mag papatalo na rin sa kagustuhan. "You're already 30 years old, Kayla. Sa susunod na mga taon mawawala na ang edad mo sa kalendaryo. Kaylan ka ba mag a-asawa? Kaylan ko ba masisilayan sa'yo na makita ang Apo ko sa tuhod?" Ako nga, hindi ko na pino-problema ang bagay na iyon. Ikaw pa kaya Lolo? Gusto niyang sagut-sagutin pa ito, subalit piniling itikom na lang ang bibig para hindi na humaba pa ang diskusyonan nilang dalawa. "Lolo, alam niyo na po na wala akong balak mag asawa at mag karoon ng anak, kontento na ako kong ano ang meron ako ngayon." Minsan na akong nabigo sa pag-ibig at wala na sa plano ko ang mag asawa o mag karoon man ng anak. "Please, huwag niyo na akong pilitin, hindi niyo na mababago ang desisyon ko.." "Lalo mo lamang Kayla, na pinapahirapan ang sitwasyon natin." Kasalanan ko pa ngayon? "Hindi ko rin gusto na pilitin ka sa ayaw mo Kayla. Kong may iba lang akong Apo, sakanila ko na ito hiniling at hindi na kita kailangan na pilitin pa ng ganito." So kasalanan ko ngayon, na wala kang ibang Apo, bukod lamang sa akin? Pinikit ko na lamang ang mata ko sabay buntong-hiningga ng malalim. Walong taon pa lang ako noon nang pareho mamatay ang mga magulang ko sa car accident, at ang Lolo Fernand ko na ang nag alaga at nag palaki sa akin. Ang Lolo Fernand ko na lang ang kasama at nag iisa kong pamilya na meron ako. Patay na rin ang malalapit na kaanak at kapamilya ni Lolo at kami na lang na dalawa ang mag kasama. Si Dad lamang ang nag iisang anak ni Lolo at Lola, kasamaang palad maaga rin binawian ng buhay kaya hindi na nadagdagan pa ng Apo bukod lamang sa akin. Bahay-trabaho,bahay-Trabaho, iyan na lang ang daily routine ko at wala na akong panahon na mag pahinga at matutukan na rin ang sarili ko na doon na lamang umiikot ang aking mundo sa puspusan na pag trabaho. Nalipasan na din ako na humanap ng bagong mag papatibok ng aking puso sa puro trabaho na lang naka centro ang atensyon ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ginigipit ako ni Lolo ngayon na alam naman nito na matagal nang nawala ang amor ko sa pag-ibig na minsan na akong mabigo at masaktan. Kong sa gulay, isa akong ampalaya na sobrang pait at ilap sa mga kalalakihan na lumalapit at nanliligaw sa akin. "Paano mo mapag papatuloy ang legacy ng kompaniya natin kong hindi ka mag a-asawa at ayaw mo ng anak? Paano pag tanda mo, kanino mo ipapamana ang kompaniya na iiwan ko sa'yo? Tanggapin mo na kasi ang pabor ko sa'yo na mag pakasal na." Hindi na ako sumagot pa, pero naroon pa din ang pag tututol. Parang napaka dali lamang sakanya na sabihin na mag pakasal ako. Parang kanin, na susubuin na lamang. "Malapit na ako mag retired sa kompaniya Kayla, ipapasa ko na rin sa'yo ang pamamahala ng kompaniya natin sa katapusan ng taong ito. Paano ako makakapanti, kapag namatay na ako na maiiwan ko ang kaisa-isa kong Apo na walang kasama na asawa o anak, huh?" "Oh come on Lolo. Huwag mo na munang isipin iyon. Matagal ka pang mamatay at malay mo, kapag nag tungtong na ako sa ganiyan na edad mo. Baka sakali maisipan kong mag pag pakasal na." Pag biniro ko na humawak sa batok si Lolo na tumaas ang highblood sa naging sagot ko. "Kayla!" Tumaas ang boses at nag pipigil na lamang sa galit na tumitig sa akin si Lolo. "Okay fine! Bibigyan kita ng option. Hindi na kita pipilitin na mag pakasal, basta bigyan mo lang ako ng Apo, okay na iyon sa akin." Pag didiin nito. "Lolo, asawa nga ayaw ko. Iyan pa kaya? No! Hindi niyo ako mapapayag sa gusto niyo." "You leave me no choice Kayla," anito sabay tayo sa kina-uupuan na nasagad ko na ata ang pasensiya ni Lolo na kay dilim na ako kong titigan. "Kong hindi mo ako mabigyan ng anak. Aasahan mong lahat ng mana, sasakyan, condo at pera lahat nang iyon kukunin ko sa'yo." banta nito na kinabigla ko naman. "You can't do that to me." "I can." Pag mamatigas nito. "Kapag nag retired na ako sa kompaniya this end of the year, ibebenta ko na ang kompaniya at iba kong ari-arian. Ibibigay ko na lang sa charity lahat ng yaman ko, at wala kang makukuha ni isang kusing galing sa akin." Duro nito sa akin na kinagulantang ko naman. What? Alam na alam nito ang kahinaan ko na ayaw kong bitawan at kong gaano kahalaga sa akin ang kompaniya. "L-Lolo. You can't do this to me. Lolo," Galit na nag lakad si Lolo palabas ng kompaniya at naiwan na lamang ako naka-tayo at hindi na maipinta ang mukha sa galit sa naging desisyon nito. Shit. ***** "Ugh. Naiinis na talaga ako Claudine. How can he do this to me? Apo niya ba talaga ako? Nakaka-inis talaga." Hindi ko mapigilan na mag labas ng sama ng loob sa kaibigan sa kahihinatnan ng pag uusap nila ng kanyang Lolo kanina. Sakay ng sasakyan pabalik na siya sa condo para doon muna mag pag palamig at saka na siya uuwi sa Mansyon kapag nahimasmasan na siya sa pag tatalo nila kanina. "Sundin mo na lang ang hiling niya sa'yo, Kayla." Kausap niya ang matalik na kaibigan na si Claudine, at dito nilalabas sa kaibigan ang sama ng loob at rant kapag may hindi siya nagugustuhan sa nangyayari sa buhay niya. "No. Ginagawa niya lang ito para takutin ako, kilala ko si Lolo. Hindi niya kayang gawin na ibenta ang kompaniya na tinaguyod niya ng mahabang panahon. Hindi ako mahuhulog sa patibong niya sa akin." "Eh, paano kong seryoso nga talaga siya? Paano kong totohanin ang banta niyang ibenta nga talaga ang kompaniya? Makakaya mo bang mawala iyon sa'yo, Kayla?" Hindi ako maka sagot at may parte din sa isip ko natatakot rin na nawala sa akin ang kompaniya. Ilang taon akong nag trabaho sa kompaniya ni Lolo at napa mahal na rin ako doon, hindi ko lubusang isipin na makakaya nitong ibenta ang kompaniya. "Hindi niya gagawin iyon." "Magandang deal na nga iyon Kayla, diba ayaw mo naman mag asawa? Mag hanap kana lang ng lalaki na mag bubuntis sa'yo. Tulungan kita, marami sa bar na mga lalaki." "Wow! Ayaw ko nga mag padikit sa lalaki tapos aasahan mo pa talaga na makikipag siping ako sakanila sa kama?" Sinasabi pa lang iyon pinapanindigan na ako ng balahibo. Maniwala kayo sa hindi, wala pang nakaka-kuha ng aking pag ka birhen. Sinabi ko rin sa aking sarili na isusuko at ibibigay ko lamang ang mahiwagang perlas ng sinalangan sa lalaking mamahalin at papakasalanan ko. Ayon, sa maraming sumubok na naging kasintahan ko noon, ang ending lamang iniwan din naman nila ako at ang dahilan lamang na hindi ko maibigay ang gusto nila, ang makipag s*x. Nakaka tawang rason. Kaya ayaw na ayaw ko talaga na umibig kong ganun rin naman ang habol sa akin ng mga lalaki. "Ano game kana ba, Kayla? Hahanapan na kita ng lalaki sa bar na pwede mong maka one night stand?" Isa pa itong kaibigan na suportado parati. "Ayoko at baka maka-kuha pa ako ng sakit sakanila. At hindi ko rin papatulan ang kalokohan ni Lolo." Nang matanaw ko na malapit na ako sa condo, nag paalam na ako sa kaibigan at pinutol na rin ang pag-uusap naming dalawa. Tinigil ko na ang sasakyan sa parking area at lumabas na sa sasakyan. Bumunggad pag pasok ko ang magandang entrance papasok sa condo at sumakay na kaagad sa elevator ng condominium na mag dadala sa akin sa fourth floor kong saan ang unit ko. Limang taon na ako dito sa Condominium, madalas akong nanatili at nag papahingga dito kapag gusto ko ng peace of mind. Mas malapit ito sa kompaniya na unlike na umuwi ako sa Mansyon na ilang minuto ang byahe at nakaka pagod na rin kung minsan. Pumasok na ako sa loob ng aking condo na sakto lang naman ang laki para sa akin. Nilapag ko na sa upuan ang ilang gamit na dala ko at hindi paman ako nakakapag-pahingga na maupo, narinig ko na kaagad ang pag doorbell sa pintuan na kina-lalim na lang ng buntong-hiningga ko. "Nandito na naman ang asunggot na ito." Pigil hiningga kong saad na malaman kong sino na naman ang nag istorbo sa akin. Labag sa akin na nag lakad patunggo sa pintuan para pag buksan na ito ng pinto ất bumunggad sa akin ang lalaki na abot taenga na ang ngiti sa labi. "Anong kailangan mo?" Pag susunggit ko. "Hello babes," matangkad ang lalaki at ang pangalan nito si John Aris Madrigal. Ang lalaking asunggot at parang aso, na naamoy na kaagad ako sa malayo. Grabe! Kakadating ko pa lang pero naamoy niya na kaagad na naka-uwi na ako. "Babes mo mukha mo." Pag tataray ko na imbis mainis ito, kina-laki ng ngiti na makita ko ang puti at pantay-pantay nitong ngipin. Nasa iisang floor lang kami naka-tira at tatlong unit lamang ang pagitan ng bahay nito sa akin. "Naks! Nagagandahan ako sa'yo lalo kapag nakikita kitang nag tataray sa akin ng ganiyan, babes." Preskong sagot na pinandilatan ko naman. Suot lamang nito ang itim na pantalon at ang pang itaas, sandong puti kaya sumilip sa sandonang magandang hubog ng katawan nito at may muscles pa. Ilang buwan na itong nangungulit sa akin, at naalibadbaran ako na hindi nito na makuha na ayaw kong dikit nang dikit siya sa akin, pero heto parang linta na balik nang balik. Hindi lamang nag lalaro ang edad nito sa akin. Nasa 33 na ito, walang asawa, walang girlfriend, kumbaga walang sabit. Maraming nag kakagusto sa Aris na ito, di lang sa mabait, literal na di hamak na guwapo talaga. "Tapos kana?" "Relax, ikalma mo lang babes." Hirit nito at hindi ko nagugustuhan ang pag papacute niya sa akin. "Ang init-init kaagad ng ulo mo kapag nakikita mo kaagad ako." "Ano bang kailangan mo?" "Wala naman akong kailangan, may ibibigay lang ako sa'yo babes. For you." Sabay inabot sa akin ang isang sapad na saging na lakatan. "Really saging na naman? Wala kana bang iba na ibigay sa akin, bukod sa saging?" Aba! May sa unggoy ata ang mokong na ito. Araw-araw na lang ako kung hinahatidan ng iba't-ibang variations ng saging. "Eh. Ito lang babes ang meron ako. Tanggapin mo na," sabay kamot ng ulo at nahihiya pa. Sa kabilang kamay hawak ang saging. "Umalis kana nga. Naalibadbaran akong makita ang pag mumukha mo, at huwag mo akong tawagin na babes, kinikilabutan ako sa'yo," tangkang isasara ang pintuan ng hinarang nito ang paa kaya naudlot. Anak naman ng tokwa oh! Inis akong tumitig kay Aris at kay lawak na ngisi na animo'y nanandya. "Sandali lang babes, hindi ako aalis hangga't hindi mo kinukuha ang saging na bigay ko sa'yo." Anito. "Sige na, kunin mo na. Sorry na babes." "Masarap ba ang saging mo?" Tumitig ako sa saging na dala nito at niluwagan ko ng unti ang pag kaka bukas ng pintuan. Pilyo itong ngumisi at may nakaka-loko na naman na iniisip. "Aling bang saging ang tinutukoy mo, babes? Itong saging na hawak ko, o ang saging ko?" Anito na kina-pula ng aking pisngi sa naging hirit na banat nito. "Diyan kana, bwisit!" Sa labis na inis, tinulak ko s Aris sabay pabagsak na sinarhan ang pintuan ng aking condo. "Babes, sorry na. Nag bibiro lang naman ako. Babes!" Patuloy nitong pag tawag na hindi pa rin maalis ang inis ko sakanya. Bwisit ka talaga, Aris. Bwisit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD