Beki 02 : Bestfriend Zone

1250 Words
BEKI, BE MY BABY 02 : Bestfriend Zone Dorothy P.O.V MULA sa paglalakad niya na nauuna sa akin ay bigla siyang napaharap at namangha talaga ako kung gaano siya kaguwapo. Nasabi ko na ba na guwapo siya? Ay basta guwapo talaga siya e. Sobrang guwapo! "Okay so from now own magiging friends na kita." "Talaga? Salamat!" "Oo naman salamat sa iyo kasi kung hindi dahil sa iyo ay pinaglalamayan na sana ako ngayon kaya sobrang thankful talaga ako to the highest level." Ngumiti pa siya tapos ngumiti din ako. "Kaya kung may hiling ka ibibigay ko." Wow genie! Pwede kaya isang kiss? Oh my! "Wala naman, ano kaba hindi naman ako humingi ng kapalit." Ang tanga ko e puwede ko naman hilingin na mahalin niya ako tapos maging daddy ng mga anak namin. Tapos magpakasal na kami agad agad. Yesh! "Napaano ka?" ''Ay wala na excite lang ako maging kaibigan mo." "Talaga sige friend papasok na ako ah?" "Oo sige pasok kana mahal ko, mag aral ka mabuti para kapag nakakuha ka na ng job pakasalan mo na ako agad." Ayieee iniisip ko palang, gusto ko na magplano ng wedding event. Sino kayang puwedeng imbitahin? Wish me luck sana di magtagal maging kami! Isang araw pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang puro babae? "Ito nga pala si Dorothy, siya ang sinasabi ko sa inyo na nag save ng life ko." "Iyang babaeng 'yan?" Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa. Mga matapobre naman ang mga ito. Hilain ko 'yang mga mata ninyo e, sabawan ko pa. "Girls! Be friendly naman." "Ayaw namin." Mukhang hindi talaga ako tanggap ng mga ito kaya sa isip ko pa ngalang sinasabunutan ko na ang mga ito tapos iniisip ko chini-cheer up ako ni Franco. Umalis kami ni Franco para kausapin niya ako. "I'm sorry, ha." "Okay lang iyon. Hindi ko na lang ipipilit sarili ko." "Nasa-sad ako, ano ba puwede ko gawin para makabawi na lang sa iyo?" Jowain mo ko now na! Char. "Ahmmm... labas tayo tapos kain ganoon, manuod ng sine." "Ay gusto ko 'yan!" "Ay ako gusto kita!" "Huh?" "Gustong- gusto ko iyon, excited na ako!" Niyakap niya pa ako muli sa pagkakataong ito. Oh my gash! Naramdaman ko 'yung abs niya. Tunay na tunay mahal ka sa akin. --- "SAAN ang lakad mo?" tanong nang kaibigan ko ngayon na si Nicholas este Nicole. "Hulaan mo beshy." "Ah, susuweldo ka na sa paluwagan?" "Gaga! Ang slow mo talaga. Kami ni Franco magde-date kami! Well, hindi masasabi na date pero parehas din iyon!" "Ay nako ah! Hindi ako approved diyan sa pagkahumaling mo sa lalaking 'yan." "Bakit tatay ba kita?" "Ay grabe siya oh! Tatay talaga? Sinasabi ko lang na baka matanso ka dahil ayon sa kuwento mo puro babae ang kaibigan. Eh ano 'yun chix niya?" "Hindi naman siguro, hindi ba puwedeng friendly?" "Ay kung ako sa iyo sinasabi ko na Dorothy." "Bahala ka diyan, inggit ka lang dahil sobrang guwapo ng future man ko." Tsk! Tsk! Bakit ako makikinig kay Nicholas? E, parati naman siya kumokontra sa lahat ng desisyon ko sa buhay pinapatira ko na nga sa apartment ko. Kung makakontra pa. Basta ako I am confidently beautiful with a heart na nagsasabing sure ako? Magiging akin si Franco. Noong nasa mall na ako hawak ko na 'yung mga fries at ticket nang hanapin ko siya at makita na parang may kinakausap na lalake kaya tinawag ko siya. Tapos napaharap siya nang sabihin niya na makakasama daw namin 'yung lalake manonood pinakilala niya pa sa akin. Busit naman oh! Pagkakataon ko na ito e. Habang nasa sine hinawakan ko 'yung kamay niya sa pagkuha ng fries, kaya nga horror ang papanoorin namin para pag nakakatakot yayakapin niya ako. Oh my! Napagplanuhan ko na ang lahat e, kaso wala ako magagawa inutusan pa ako na kumuha ng tissue at bumili ng drink. 'Ate bilisan niyo nga kakalagay ng drinks' 'Ang bagal bagal.' Tinignan pa ako ni ate nang masama balak na niya yata ako ilagay sa water dispenser. Nagmadali na ako pagpasok ko kinuha ba naman noong lalake 'yung upuan ko. Siyempre inaayos ko 'yung image ko kay Franco kaya hindi na ako umangal kaso may something sa lalakeng ito na hindi ko bet. Habang sila nagngingitian ako naman itong mag-isa kumakain ng fries. Kukuha sana 'yung lalake hinampas ko nga 'yung kamay rinig iyong lagapak. "Ang damot mo naman!" "Gutom ako, e." Naiinis ko na sagot. Tumingin pa siya kay Franco na parang nagsusumbong. "Hayaan mo na kasi, hindi ka bumili kanina." Salita naman ni Franco my love. Sa isip ko humalagakgak ako sa pagtawa. Supalpal siya e. Bale parteng nakakatakot 'yung pelikula nang magsigawan kami sabay sabay at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman ako makalapit-lapit kay Franco para yakapin siya nang mahigpit. Okay lang 'yan Baby Franco nandito ako para sa iyo! Kaso natatakot din ako e, kaya laking gulat ko nalang nang kung sino ang yumakap sa akin? OMG! Si Franco nakipagpalit ng upuan sa lalakeng kasama niya para i-comfort ako sa mga nakakatakot na eksena ng pelikula. Ang bango bango niya. Naamoy ko kay Franco na amoy baby siya. Natapos 'yung movie nang maiwan ako sa loob para pulutin 'yung mga kalat na sinagi ko sa pagwawala kanina kaya nauna na sila Franco at magsi-CR lang daw sila. Pagkatapos noon ay agad na akong lumabas mula sa sinehan nang makita ko sina Franco at 'yung lalake na parang may balak sa exit. Nanlaki ang mga mata ko hindi ko pa natitikman 'yan uunahan mo na agad ako? Sinadya kong hinulog 'yung lalagyan ng popcorn nang mapatingin sila sa akin. "Ay, ay, I'm sorry." Lumapit si Franco sa akin nang sabihin niya na mauna na daw ako kasi may lakad pa sila nang lalake tumango naman ako pero sinungaling kaya ako. Proud to be sinungaling for protecting purposes. Sinunsundan ko sila, e hindi naman sila aalis ng mall ah? nang pilit na inaabot ng lalake 'yung kamay ni Franco. Aba ang walang hiya sabi ko na Barbie e. Hindi ako makakapayag. I keep pretending na napapadaan ako sa harapan nila ngunit pabago bago ng suot at mukhang effective naman napapasunod pa nga ng tingin si Franco. Nasa couch sila nang hawakan ng lalake 'yung pisngi ni Franco kaya sa sobrang takot na may gawin siya dito ay hindi ako nakapagpalit. Natawa pa si Franco. "Sabi ko na nga ba, ikaw iyon e." Nakangiti niyang sabi. "Bakit hindi ka pa umuwi?" dagdag niya. Napangisi ako. "Ah, eh, ah. Gusto ko kasabay kita." "Ah! Sobra ka naman sige sabay na tayo uuwi." Mabuti nalang nakalusot ako at naiiwas ko pa ang bebe future man ko sa hitad na baklang 'yan. Naglalakad kami palabas noon nang hindi mawala ang ngiti ni Franco sa kaniyang mukha. Sana naman hindi pa siya nababaliw. Paano kami ng magiging anak mo hala. "Napaano ka?" tanong ko sa kaniya na nahahawa pa ako sa ngiti niya. "I'm so happy!" sigaw niya nang mapakunot noo ako. "Oh my gash friend, I think magkaka- boyfriend na ako?" dagdag niya. Magkaka boyfriend na ako. Boyfriend.. BOYFRIEND... "Ano boyfriend?" tanong ko. "Hindi ka ba masaya para sa akin? Friend." Salita niya. Atsaka siya masaya na napauna sa akin na maglakad. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakla siya? Bakla si Franco? Oh no!!! Parang biglaang nawasak ang family tree na nabuo ko sa isip ko nang mga oras na iyon tila nanghina ang mga tuhod ko. Mukhang mai-stuck nalang talaga ako sa pagiging bestfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD