Chapter 28 MOZZ/TROIS Isang buwan na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Jean dahil sa pagkakahuli namin na magkasama sa mansyon nila. Sa loob ng mga araw na lumipas unti unting humilom ang sugat ko dahil sa pagkakabaril sa akin ni Cris. Pero ang dulot ng kahapong ala-ala ay nanatiling sariwa sa puso ko. Alam ko matagal kong iindahin ang nangyari sa amin ni Jean pero naniniwala ako na muli kaming magkikita. Isang buwan ko din pinahanap si Jean kay Andres, pero kahit anong gawin namin maging si Kuya ay hindi namin matagpuan si Jean. Dito nadin ako mansyon nakatira, kasama ang kinilalang magulang ko at mga totoong magulang. Sa araw-araw mga ngiti nila ang nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa buhay at kalimutan ang mga nangyari. Masaya kaming nag-kwenwentuhang mag-ana

