Chapter 05
TROIS / MOZZ
Masaya akong pinagmamasdan si Jean habang nakahiga kami sa kama. Walang pag-lagayan ang kaligayahan ko dahil ang babaeng sinasamba ko ay tuluyan nang naging akin. Alam ko na pagod na pagod ito dahil sa walang sawang ko siyang inangkin. Isa pa birhen si Jean kaya alam ko na mananakit ang buong katawan nito pag-kagising.
Napakaganda talaga ng mahal ko, hindi ko akalain na isusuko niya ang sarili niya sa akin at muli akong binalikan. Natatakot man ako sa magiging resulta nito, wala na akong magagawa mahal ko talaga siya at handa ako ipaglaban kong ano ang nararamdaman ko para sakanya.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko pasado alas dose na ng tanghali kailangan ko nang gisingin si Jean at baka hinahanap na ito sakanila.
" Baby, gising na tanghali na baka hinahanap kana sainyo." Pag-gising ko kay Jean habang hinahalikan ko ang kanyang balikat.
Tanging mga ungol niya lang ang sinagot niya sa akin, kaya nakaisip na nanaman ako ng kalokohan.
" Pag-hindi ka gumising, sisiguraduhin ko sayo na hindi kana makakabangon diyan sa higaan mo. Wag mo ko subukan Jean baka kong ano na naman magawa ko sayo."Natatawang pagbabanta ko sakanya.
Mabilis pa sa alas kwatro ang giniwang pag-mulat ni Jean kasabay ang pagbangon pero ilang saglit lang napansin ko na bigla siyang napangiwi.
" Walanghiya ka Mozz, nasobrahan ata ako sa ginawa mo kagabi. Nilamog mo ang tahong ko, kapag ako hindi nakalakad dito mayayari ka sakin, puputulan na kita ng kaligayahan." Naka-ngiwing ani ni Jean sa akin.
" Hu'wag ka naman ganyan, kagabi nga panay ungol mo, sarap na sarap ka kaya, Sige ka pag pinutol mo to mawawalan kana ng kaligayan. Hindi mo na uli to matitikman." Pang-aasar ko sakanya.
Dinala ko siya sa banyo para maka-paglinis nang katawan at para ma-preskuhan. Alam ko naman na talagang nasobrahan ko siya kagabi. Kahit panay ang pagtutol niya ay sumige pa din ako. Para akong na-hiptonismo kay Jean at nawala ako sa sarili, para akong naadik sakanya. Matagal ko kasing pinigil ang sarili ko na angkinin siya dahil nirerespeto ko siya. Kagabi noong hiniling niya sa akin na angkinin ko siya doon ko hindi napigil ang sarili ko.
Matapos ni Jean maligo at lumabas na siya sa banyo Nakita ko pa kong paano siya mangiwi habang naglalakad. Naguilty tuloy ako bigla.
" Okay kalang ba baby?" Tanong ko sakanya.
" Ano sa tingin mo, hindi kana talaga makakaulit sa akin. Ang sakit sakit." Sagot sa akin ni Jean.
Pag-hatid ko kay Jean sa baba ng hotel kong saan may naka-abang na na taxi. Mabilis akong nag-paalam sakanya at hinalikan ko siya sakanyang labi. Sinabi ko na mag-iingat siya at kong may oras siya alam niya naman kong saan ako matatagpuan.
Umuwi muna ako sa bahay para makapagpalit ng damit at makaligo nadin. Pagkarating ko sa bahay nakita ko pa ang mga kapatid ko na babae na masayang naghaharutan. Si Leaf at si Chyrille. Isa sa mga dahilan kong bakit ako nagsisikap para mapatapos ko sila ng pag-aaral konting panahon nalang matatapos na si Leaf.
Magkakaroon nadin ako ng isang kapatid na nakatapos ng pag-aaral. Isang simpleng kaligayahan ko lang para sakanila.
" Andito na pala ang Kuya naming pogi, hmmm. parang kakaiba ka ngayon." Wika sa akin ni Leaf.
" Anong ibigmongsabihin Dahon? Hu'wag kang mag-kakamali at baka bawasan ko ang allowance mo." Natatawang biro ko sakanya.
" Oo nga Kuya tama si Ate may kakaiba sayo, masyado kang blooming at panay ang ngiti mo kahit wala naman nakakatawa, para kang nababaliw. Siguro inlove ka no?" singit naman ni Chy.
" Masaya lang si Kuya inlove na agad kayo talaga, Sige na maliligio lang ako at papasok na ako. Mag-aral kayong mabuti huh. Mahal kayo ni Kuya." Wika ko sa mga kapatid ko.
Kumakanta pa ako habang naliligo dahil totoong masaya ako. Dahil kami na uli ni Jean at bukod doon alam ko na ito na muli ang umpisa ng aming masayang pagsasama wag lang kami mahuli ng magulang niya oh ni Cris dahil pagnagkataon ito din ang simula ng paghihiwalay naming dalawa.
Nang makarating ako sa club pasipol sipol pa ako habang nakangiti. Nakita ko agad ang pag-simangot ni Kris dahilan para asarin ko siya.
" Yung ngiti mo nakakainis, para kang nakahigop ng sabaw ng tahong ah, mukha kang tanga!" Naiiritang wika ni Kris.
" Totoo naman! Ang sarap pala makahigop ng sariwang tahong, kaya ka siguro masungit kasi hindi ka pa nakakahigop ng sariwang tahong." Sagot ko kay Kris.
" Tarantado ka! sikmuraan kaya kita diyan, ginaya mo pa ako sayong manyakis." Napipikon na ani ni Kris.
Dahil sa namumula na ang mukha ni Kris dahil sa matinding pag-kapikon sa akin kumaripas na ako ng takbo para pumunta sa dressing room, dahil alam ko bigla nalang yon nanununtok mahirap na baka mapuruhan ako. Ang sarap kasi niyang kaasaran lagi kasing seryoso sa buhay ang dalang ngumiti.
Pagpasok ko sa dressing room naabutan ko si Yllah, Serona, Arya at si Kat abala na sila ihanda ang mga gagamitin nila para sa pag-perform nila mamaya.
" Kuya, Balita namin may nilapa kadaw kagabi sabi ni Yllah." Wika ni Rona.
" Yllah! Kahit kelan talaga ang daldal mo. Ikaw ang version ng isang magandang Marites pero imbes sa kanto dito sa club." Baling ko kay Yllah.
" Soree na Kuya natuwa kasi ako sayo kagabi ngayon lang kita nakita na may katukaan halos makalimutan mo nga na nasa dressing room kayo. Infairness maganda siya pwede siyang ihanay sa ganda namin." Sagot ni Yllah.
" Kaya pala blooming ka ngayon Kuya nakatikim ka pala ng tahong, ganyan daw kapag nakakadilig blooming. Saka iba aurahan mo mukha kang Masaya. Happy ako para sayo pero wag mo din ibuhos lahat baka masaktan ka sa huli. Mapatay namin ang babae mo ng wala sa Oras!" Pagbabanta ni Kat.
" Ano ba kayo relax lang kayo. Hayaan nyo muna ako sa ngayon, si Jean ay matagal ko ng kasintahan. Nagkahiwalay kami dahil langit at lupa ang pagitan namin ayaw ng magulang niya sa mahihirap na kagaya ko kaya ako ang kusang lumayo sakanya. Tapos kagabi lang muling pinag-tagpo ang landas namin. Ang relasyon namin ay patago lamang. Kaya sana intindihin niyo ko." Paliwanag ko sakanila.
Isa isa silang lumapit sa akin at niyakap ako bilang pagsuporta. Ang mga kapatid ko dito na babae sa club ay mahal ko din gaya ng mga kapatid kong babae. Ganito man ang kanilang pamumuhay pero nirerespeto ko sila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Parehas kami ni Kris na protector nila kapag may bumabastos sakanila. Kaya mapalad ako sa mga kasamahan ko dito, hindi lang kapatid ang turingan namin kundi isang pamilya........