Chapter 15 MOZZ / TROIS Nandito kami ni Jean sa condo na binigay sa akin ni Kuya Thad. Dito ko siya dinala matapos ko siyang makita sa bar. Alam ko kasi na dito may privacy kami at bukod doon masusulit ko ang mga araw na kasama ko siya. Mabuti nalang at wala ang kanyang magulang kaya malaya ko siya makakasama ng ilang araw. Habang kasama ko siya ipaparamdam ko sakanya kong gaano ko siya kamahal at kahalaga sa akin. Habang pinagmamasdan ko si Jean muling bumalik sa aking alaala noong una naming pagtatagpo. Flashback..... School mate ko siya sa isang university. Isa akong scholar ng eskwelahan dahil isa ako sa napili at nakapasa sakanilang kategorya para kumuha ng libreng pag-aaral. Matanda ako kay Jean ng dalawang taon pero sabay lang kami nag first year college dahil nga sa late na

