Chapter 33 MOZZ/TROIS Pagkarating namin sa Amerika sinalubong kami ng isang magandang babae, matangkad, may balingkinitang katawan, may mapupulang labi, something mysterious in her eyes na mahirap basahin and she looks stunning in her fitted maxi dress. " Kuya Andress, miss na miss na kita, lagot ka kay Tita hindi ka nag-papakita, malapit ka na daw buminggo sakanya kapag wala kapadin babaeng pinakikilala. Baka daw ung semilya mo malabnaw na at hindi kana makabuo." Wika ng babae kay Andress. " Snow manahimik ka nga! May kasama ako nakakahiya ka, kahit kelan walang filter yang bibig mo." Sagot ni Andress sa babae sabay baling sa akin. " Sino siya Kuya? Infairness gwapo, macho at higit sa lahat malaki ang katawan. Hindi ko siya type, ayoko ng ganyang aura baka nam-babalibag yan sa kama."

