Chapter 10 MOZZ / TROIS Mag-didilim na nang makarating ako sa club, ilang oras pa bago ako mag-simulang mag-perform. Makikipag-kwentuhan muna ako sa mga kasamahan ko kasi minsan lang naman kami magkasama sama ng kumpleto mas madalas iba iba kasi ang schedule ng bawat isa. Papasok palang ako ng makita ko agad si Kris. Ang pinaka masungit na bouncer ng Exclusive Sphere. Naiiling nalang ako tuwing mag-tatagpo ang landas namin para kasi siyang may allergy tuwing nakikita niya ako. " Ano ngingiti ngiti mo Trois nag-uumpisa na naman yang kalokohan mo, Wala ako sa mood makipagbiruan sayo baka maihagis kita diyan sa gitna ng stage na sina-sayawan mo." Bungad sa akin ni Kris na nakasimangot. " Relax, Ang init ng ulo mo siguro nag-away na naman kayo ni Allair no. Kulang ka pala sa bayo kaya

