Chapter 19 JEAN Ilang araw na simula ng huling magkita kami ni Mozz. Ang isang linggo na pagkawala nila Mom ay napa-aga ang uwi sa kadahilanang umatras ang mga investor sa mga negosyo nila. Mainit ang mga ulo nila kaya nag-kulong nalang ako sa silid ko at baka pag-nakita nila ako ay mapag-initan pa ako nila. Dahil sa init na nararamdaman ko napag-pasyahan kong maligo para makapunta ako sa club, kong saan nag-tratrabaho si Mozz. Namiss ko na siya kaya pupunta nalang ako sakanya hindi naman malalaman nila mom and dad na aalis ako at kong malaman man sasabihin ko nalang na, kanila Jhona ako natulog. Tatawagan ko nalang si Jhona para kapag tumawag si Mom ay mapagtakpan niya ako. Kumakanta pa ako habang naliligo dahil excited akong makita si Mozz. Paglabas ko ng banyo nanlaki ang mata ko n

