MABUTING ANAK AT KAPATID

1137 Words
CHAPTER 1 TROIS / MOZZ POV More! More! More! Mga sigawan na naririnig ni Trois habang gumigiling sa entablado. Bawat pag indak ng kanyang katawan ay hiyawan ang maririnig. Habang palapit siya sa gitna matinding ingay ang pumapailanglang kasabay ng tugtugin. Nag-uunahan ang mga matatandang babae at mga bakla sa paghimas ng kanyang katawan habang inilalagay ang perang papel sa kanyang kapirasong suot. Litaw na litaw ang matitipunong katawan ni Trois, bagay na bagay para isang mananayaw sa club. Matapos ang ilang ikot at at pag giling sa saliw ng musika natapos ang performance ni Trois na nag-iwan ng matinding hiyawan at palapakpakan sa mga manunuod. " Nice one Kuya, mukhang madami na namang mga matatandang babae at mga bakla ang kinilig sa performance mo. Ang Hot mo dun Kuya, ang galing!" Wika ni Yllah na kapatid ang turing sa akin. " Nagtataka nga ako diyan kay Trois ang tibay ng sikmura, paano niya nagagawa ang gumiling sa harap ng matatandang babae at nagpapahimas sa mga malalanding bakla. Kong sakin yon pinagsasapak ko na sila. Hindi ko kaya ang maging dancer, naiisip ko palang nasusuka na ako." Wika naman ni Kris na kaibigan ko kaya lang paminsan minsan walang filter ang bibig. Isa siyang bouncer dito sa club na mahirap pakibagayan dahil sakanyang ugali. " Lahat tayo dito, kailangan sikmurain ang trabaho natin, Wala naman tayong choice, kailangan pikit mata nating tanggapin ang ating kapalaran. Naniniwala ako na kapag dumating ang isang bagay na makakapagpabago ng buhay natin, aalis din tayo sa lugar na to." Sabat ni Kat na ninsan lang magsalita pero bakas ang katotohanan sa mga sinabi niya. " Basta ang mahalaga umalis man tayo, mananatili padin tayong magkakaibigan dito. Lalo na sa dalawang Kuya namin dito. Kuya Kris at Kuya Trois sana walang magbabago." Saad naman ni Serona. " Balik na sa trabaho magka-iyakan pa tayo dito lahat." Ani naman ni Arya. Mukhang siya na ang susunod na sasalang para sumayaw. Ang mga kaibigan ko dito sa club na naging kaluunan ay pamilya ko nadin. Lahat kami dito ay pamilya ang turingan hangang maari, kong kaya namin tulungan ang isat-isa ay ginagawa namin. Bawat isa dito sa amin ay may malalim na pinagdadaanan kong bakit napadpad sa lugar na ito. Hindi kami dapat husgahan dahil lamang sa aming trabaho, kailangan lang namin gawin dahil sa matinding pangangailangan. Salot man kami sa paningin ng iba pero alam namin sa sarili namin na matitino naman kami wag lang nila kaming aapihin dahil makikita nila kong ano ang kayang gawin ng bawat isa sa amin. ............ Mag bubukang liwayway na nang ako ay makauwi sa amin. Nakita ko pa ang aking Inay at Itay na masayang nag-uusap sa aming munting tirahan. Salat man kami sa maraming bagay pero mayaman naman kami pagdating sa pagmamahal. Nag-mano ako sakanila at tumabi, kasabay ng pag-abot ko kay Inay ng aking kinita sa pag-sasayaw. May dala din akong pancit at burger para pang almusal ng mga kapatid ko. Kahit pagod na pagod na ako ay hindi ako sumuko dahil para sa akin ang makita ko ang ngiti sa aking magulang sapat na para tiisin ko ang lahat ng hirap. Si Inay at Itay at ang dalawang kapatid ko na babae na nalang ang kasama ko sa buhay. Ang isang kapatid ko ay nag-aaral na sa kolehiyo at ang aming bunso ay nasa highschool na. Ang mapatapos ko ang mga kapatid ko ay sapat na sa akin. Alam ko na kahit hindi ko maibigay ang lahat ng hinihinge nila ay masaya padin ako dahil marunong makuntento ang pamilya ko, kong ano lang ang meron kami yon ang pinagkakasya namin. Isa sa mga aral at pangaral sa amin ng aming mga magulang na kong ano ang meron ay matutong pagkasyahin. Pangarap ko mabigyan sila ng maayos at maginhawang buhay pero hindi ko yon mabibigay kong ang pag-tratrabaho lang sa club ang aasahan ko. " Anak wag mong abusuhin ang sarili mo, magpahinga kana muna, Maya maya lang aalis na ang mga kapatid mo para pumasok. Doon kana matulog sa higaan nila para maging kumportable naman ang pagtulog mo." Pag-aalala sakin ni Inay. " Okey lang po ako wag niyo ko alalahanin. Mamaya nalang po ako magpapahinga pag nakaalis na si Leaf at si Chyrille." Tugon ko kay Inay. " Tumigil kana kaya anak sa pag-tratrabaho mo doon sa club at baka may mangyari sayo doon. Tuwing gabi ay hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sayo anak." Saad naman ni Itay. " Kaya ko po ang sarili ko Itay, isa pa gamay ko na ang trabaho doon at mababait Alang mga kasamahan ko, parang pamilya na po ang turingan namin sa isat-isa. Kaya wag na po kayong mag-alala ni Inang kasi maayos lang po ako. " Masayang sagot ko sakanila. Matapos nilang mag-agahan ay umalis nadin ang Inay at Itay ko para mamili ng aming kakainin. Masyado na matanda ang aking mga magulang kaya hangang maari ayoko silang mapagod kaya nga kahit na pagod ako ay pilit kong kinakaya kahit na alam ko na minsan gusto ko ng tumigil. " Kuya, asan po si Itay at Inay? " Tanong ni Chyrille kasabay ng pagyakap sa akin. " Hmmm, pumunta sa palengke, kamusta naman ang pag-aaral mo bunso?" Tanong ko din kay bunso. " Hay naku! Kuya si Chy, balita ko ay may crush na daw yan sabi ng kaibigan niya ng minsan kong sunduin sa eskwelahan." Sabad naman ni Leaf. " Hala! Si ate mapag-gawa ng kwento, hindi kaya pag-aaral ang priority ko, para hindi masayang ang pag-aaral sa atin ni Kuya saka kong may crush ako si Jihoon lang yon." sagot ni Chy na may kasamang hagikgik. " Weeh! Bunso bakit parang binobola mo si Kuya, mag-kano kailangan mo? Alam ko may kailangan ka kaya ganyan ang sinasabi mo." Nakangiting ani ko kay Chy. " Kasi Kuya, gusto ko sumama sa field trip namin pero kong wala kang pera okey lang Kuya naintindihan ko po." Nahihiyang na sagot ni Chy sa akin. " Magkano ba yang field trip mo?"Tanong ko muli sakanya. " Two thousand five hundred pesos Kuya. Okey lang Kuya kong wala, wag ka nang mag-aalala." Tugon niya sa akin. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng apat na libo, ibigay ko kay Chy ang tatlong libo pambayad niya sa field trip niya at ung natira ay pocket money niya. Ang isang libo naman ay ibinigay ko kay Leaf alam ko na kahit hindi siya manghinge sa akin ay may pangangailangan din siya dahil dalaga na ang kapatid ko. Ayaw pa nga niyang kunin dahil nahihiya at sumabay pa sa gastos ni Chy pero pinilit ko sakanya dahil alam ko na kailangan niya kahit hindi niya sabihin. Masaya akong makita na masaya ang mga kapatid ko. Simple man ang aming buhay pero puno naman ng saya at pagmamahal sa isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD