Chapter 51 THADDEUS' POINT OF VIEW Pagkaalis ng van na kinalululanan ni Jean, parang sumabog ang galit ni Mozzimo. "CRIIIIIS!!! PUTANGINA MO! PAPATAYIN TALAGA KITA PAG NAGKITA TAYO! MAHAHANAP RIN KITA, GAGO KA!" sigaw niya habang nanginginig sa galit. Ang tinig niya’y dumadagundong sa buong parke, para siyang nilamon ng poot at pangungulila. Hindi ko siya masisi. Kitang-kita ko kung paano siya nagmamadaling sumugod kanina. Kung paanong halos magpatiwakal siya para lang maabot si Jean. Pero hindi niya ito naabutan. Hindi niya ito nailigtas. Habang galit na galit siya, dalawang munting tinig ang narinig naming humikbi sa gilid. "M-mommy..." "Tito... Mommy..." Napalingon kaming lahat. Nandoon sina Trois at Jebran—ang kambal na dalawang taon pa lang. Parehong nanginginig, parehong tako

