Chapter 07
TROIS / MOZZ
Madaling araw na ako naka-alis ng club matapos ang isang pag-perform ko huling sayaw ko. Niyaya ko kasi si Kris na mag-inuman kami buti nalang sa pagkakataong iyon ay walang asaran at inisan na naganap. Alam ko kasi na parang mabigat ang kanyang dinadalang problema kaya dinamayan ko siya.
Base sa aming pinag-uusapan pinakikinggan ko lamang siya at inunawa ko maige ang kanyang sinasabi. Sa paguusap namin walang puwang ang biruan. Kapag ganito ang problema marunong naman ako sumeryoso. Alam ko kagabi kailangan ni Kris ng mapag-hihingahan ng kanyang mabigat na problema.
Ayoko naman siyang pilitin sabihin pero sapat na sakin ang i-open niya ang iilan. Kilala ko kasi si Kris na hindi palaimik buti nga kahit papaano ngayon ay nakikipagusap na siya at nakikipag asaran na pero sa amin lamang yon na mga kaclose niya sa club.
Hindi pa ako nakakabawi ng tulog ng biglang nag-ring ang cellphone ko nakita kong tumatawag sa akin si Corrine o mas kilala sa club na Arya isa sa mga babaeng kaibigan ko sa club.
" Trois, pwede kaba ngayon? Kaialangan Kong tulong magpanggap ka muna na boyfriend kita. Please kailangan ko talaga ng tulong." Pakiusap sa akin ni Arya.
" Sige tutulungan kita, pero sinasabi ko sayo Arya mahal ang talent fee ko. Sabihin mo para alam ko kong paano kita matutulungan." Sagot ko sakanya.
" Kita tayo sa mall mamaya, kunwari mag-dadate tayo mga bandang hapon para derecho na tayo pagpasok. Salamat Trois hulog ka ng langit sakin." Wika ni Arya pagkatapos ibaba ang tawag.
Dahil sa tawag ni Arya ay hindi na muli bumalik ang antok ko. Bumangon nalang ako at nag-timpla ng kape habang nasa hapag kainan ako at nag-kakape napansin ko na wala pala akong kasama sa bahay, saka ko naalala na malapit na mag-tanghalian. Nakapasok na siguro sila Leaf at Chyril. Sila Tatay at Nanay naman ay parating na yon galing sa pamimili ng lulutuin para sa pananghalian.
Sinipat ko ng tingin ang aming lumang bahay, sapat lang para mag-kasya kami nila nanay at dalawa kong kapatid. Maliit man ang bahay namin, walang high-tech na kagamitan at least kuntento at masaya kaming mag-anak na may pagmamahalan.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na isa akong ampon sa pamilya. Nakita lang daw ako ni Tatay sa tabi ng basurahan noong na-ngangalakal siya, dahil sa wala silang anak ni Nanay noon inampon nila ako at inalagaan at hindi tinuring na iba kundi parang tunay na anak.
Basta ang kwento ni Tatay noon may papel na nakasingit na Mozzimo Trois Vocellie ang pangalan ko. Sumagi sa isipan ko na hanapin ang totoo kong pinang-galingan. Iniisip ko din kong hinahanap din ba nila ako o hindi sa tagal ng panahon marahil ay hindi kaya nawalan din ako ng interes hanapin ang pinagmulan ko.
Ramdam ko naman ang pagmamahal ng isang magulang sa taong nakakuha sa akin higit pa nga ang pinaramdam nila sa akin na labis ko naman ipinasasalamat sa diyos dahil ang nakatagpo sa akin ay mabubuting tao at mapagmahal.
Naabutan ako nila Tatay at Nanay na malalim ang iniisip alam nila kapag ganitong may iniisip ako alam ko na ang itatanong nila.
" Naiisip mo ba ang totoong pamilya mo anak?" Tanong ni Tatay.
" Sumagi lang po Tay, Hindi ko maiwasan kapag nag-iisa ko dito sa bahay lagi sumisingit sa isipan ko. Ano kayang klaseng pamilya meron ako Tay sa tingin niyo po?" Tanong ko din kay Tatay.
" Ang alam ko lang nang matagpuan ka namin ay maganda ang mga damit mo, halatang nasa mayaman kang pamilya. Marahil ay hindi gusto ng iyong pamilya na mawala ka. Malalaman mo yan anak kapag sinubukan mo silang hanapin. Malay mo ayan ang mag-pabago ng kapalaran mo." Si nanay ang sumagot.
" Hayaan niyo na po yan, wag nyo muna isipan, saka ayoko po kayong iwan, kayo ang totoo kong pamilya na hindi ko ipagpapalit. Saka ko na po sila hahanapin kapag naibigay ko na ang bahay at buhay na pangarap ko para sainyo Nay." Sagot ko kay Nanay.
" Tandaan mo anak, Hindi ka man nang-galing sa akin ay anak kita at mahal na mahal ka namin ng iyong ama. Ikaw ang dahilan kong bakit hangang ngayon ay magkasama kami ng iyong ama kaya malaki ang pasasalamat ko sayo anak. Isa lang ang hiling namin anak mawala man kami sa mundo ng iyong ama sana hu'wag mo pabayaan si Leaf at Chy dahil alam ko ikaw lang ang makakatulong sakanila at masasandigan nila." Umiiyak na turan ni Nanay.
Heto ang iniiwasan ko kapag naabutan nila ako na nagiisip. Ayoko umiyak ang tinuturing kong magulang masyado kasing mababaw ang luha ni Nanay.
" Ano po ba ang binili nyong makakain natin Nay? Sarapan nyo po magluto, namimiss ko na po ang luto niyo hindi ko kasi naabutan lagi." Masayang wika ko para maiba ang usapin namin.
" Oh siya pasensya na at laging nag-dradrama si Nanay, Pedring tapos mo naba hugasan ang mga lulutuin ko? Dalian mo diyan at nagugutom na ang pinakagwapo kong anak na hindi nagmana sayo." Malakas na sigaw ni Nanay na ikinatawa namin ng malakas.
Ganito lang ang buhay ko sa pamilya ko. Simple pero masaya, may konting drama at may konting asaran pero lagi padin na-ngingibabaw ang repesto at pagmamahal sa isat-isa na itinuro sa akin ng aking mga magulang.
Dahil ilang minuto nalang naman ay dadating na ang mga kapatid ko ay hinintay nalang namin sila para sabay sabay kaming kumain mag-anak. Minsan lang kasi namin magawa ito dahil madalang lang ako abutan ng mga kapatid ko at kong minsa'y pagod ako sa trabaho kaya hindi nila ako iniistorbo.
Nang makarating ang mga kapatid ko tuwang tuwa sila dahil naabutan nila akong gising at sabay sabay kaming kakain. Nakita ko pa si Chy na tuwang tuwa sa niluto ni Nanay na menudo kasi sobrang paborito niya ito. Inaamoy amoy pa niya with acting kaya tawa kami ng tawa nila Tatay.
Wala man kaming madaming pera tulad ng iba, pero sagana kami sa respeto at pagmamahal ng bawat isa na alam ko na hindi kayang tumbasan ng kahit na ano mang halaga..........
"