PROLOGUE
____________________
"Ganito na pala ang itsura ng looban? Hmmm, may pagbabago din pero kaunti lang." Nag-lakad pa ako ng kaunti at inililibot ang paningin sa daan para mapag-masdan ang lugar na matagal ko ng iniwan.
"Magnanakaw! Tulungan niyo ako may magnanakaw!" Sigaw ng ale na tinuturo ang magnanakaw na sinasabi niya.
Binggo ka sakin!
Tumakbo ako at dumaan sa isang tagong daanan.
Kabisado ko pa pala ito? Infairness hindi ito nagbago kagaya ng inaasahan ko.
"Kumusta, bro? Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko sa lalaking magnanakaw at mabilis ko ring naabutan.
Ang hina niya namang tumakbo, hindi nga ako pinag-pawisan.
Nakakabagot.
"Sino ka ba? Hindi kita kilala, umalis ka sa daraanan ko!" Sigaw niya kaya sinunod ko naman agad siya.
Tumabi ako para maka-daan siya kaya tumayo siya ng maayos at nag-lakad palayo sa akin.
Pero hindi niya pa ako nalalampasan ng hawakan ko ang bag niya at ibinalibag sa sulok.
"Sa tingin mo ba uto-uto ako na kailangan kang sundin?" Tuma-tawang sabi ko. Tumayo siya at hinarap ako kasabay nun ang paglabas niya ng patalim kaya lalo lang akong natawa.
Ito ang gusto ko. Madugong labanan.
"Pagsisisihan mo na hindi mo ako pinatakas!" Galit niyang sabi kaya umiling ako habang natatawa sakanya. "Ano bang nakakatawa? Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Tapos kana ngayon!" Agad niya akong sinugod pero agad ko rin naman siyang nailagan.
Ngumiti ako sakanya at umiling ulit kaya lalo lang siyang nainis.
Sinugod niya ulit ako ngunit nailagan ko parin siya.
"Talagang sinusubukan mo ako?!" Inis na talagang sabi niya kaya natawa na naman ako.
Agad siyang bumwelo at mabilis akong sinugod pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako umiwas dahil mabilis ko siyang sinapak at agad siyang natumba.
"Masyado ka namang mayabang, bro. Alam mo bang pitik lang sa akin ang mga galawan mo?" Bumangon siya at mabilis ding sumugod kaya bago pa man dumampi ang patalim niya ay agad ko na siyang sinikmura dahilan ng pag-ubo niya kasabay nun ang dugo na lumabas sa bibig niya.
"S-sino ka ba?" Nanginginig niyang tanong kaya tinawanan ko siya.
"Hindi mo magugustuhan kapag nag pakilala ako sa'yo." Kwinelyuhan ko siya at pinatayo at hinarap sa akin. "Nasaan na ang ninakaw mo?" Tanong ko ulit.
"W-wala akong ninanakaw!"
"Talagang mag sisinungaling ka pa?"
Agad ko siyang dinambahan ng suntok kaya agad na nabaluktot ang katawan niya at ininda ang sakit.
"Nasaan!" Sigaw ko sakanya. Inilabas niya ang isang box at isang maliit na wallet kaya napangiti ako at tiningnan siya.
Pabalibag ko siyang binitawan at saka nginisihan.
"Larga na at baka hindi kita matantya at mabinggo ka sa 'kin ng tuluyan." Tumango siya at paika-ika na naglakad palayo sa akin. "And one more thing!" Sigaw ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin ng marahan. "Sa susunod na makita kita at malaman na nag nanakaw ulit, hindi kana sisikatan ng araw!" Seryoso kong sabi sakanya kaya kumaripas na siya ng takbo.
Takot din naman pala, nagbibiro lang naman ako.
Naglakad na ulit ako papunta sa ale na sumigaw kanina at ibinalik ang ninakaw sakanya.
"Maraming maraming salamat, ijo. Napakalaking tulong ito dahil naibalik sa akin itong wallet ko. Salamat ijo, saan ka ba nakatira?" Ngumiti lang ako sa matanda at nag mano.
"Mauna na po ako." Magalang kong tugon sakanya.
"Salamat ulit."
Hindi parin nagbabago ang mga tao dito. Talagang naghahasik parin ng lagim. Well ako rin naman. Maghahasik din ng lagim.