Chapter 3

1214 Words
PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — "May nakakita sa iyo sa isang club, Miguel. May kasama ka raw ibang babae?" malamig na tanong ni Tito Samuel at binaba ang hawak na tasa ng kape sa gilid ng pinggan niya. Umismid nang alanganin si Miguel. "Saan mo naman narinig 'yan, Dad? Kakakasal ko lang. Bakit naman ako maghahanap ng ibang babae?" Walang ekspresyon na bumaling sa kaniya si Tito Samuel. "Siguraduhin mo lang dahil alam mo ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang taong manloloko. I wouldn't give a damn if my blood runs in you." "Silly... don't easily believe random people you don't even know." "Ang mga manloloko sa mundong 'to, walang puwang. Kung lolokohin mo lang ang asawa mo, go get a rope and hang yourself. Mas mabuting mamatay ka na lang. Masyado nang maraming salot sa mundong 'to, huwag ka nang dumagdag. Tarantado ka." Nakita ko ang pagyuko ni Tita Cynthia sa narinig. "Ana is enough for me." Hindi sumagot si Tito at muling uminom sa kape nito. He was very kind pero kapag nagiging istrikto ito, nakakatakot talaga itong tingnan. I couldn't blame Tita Cynthia. "Humingi ka na ba ng tawad sa kapatid mo?" "Mabuti na lang pinaalala mo, Dad." Bumaling ito kay Cyden. "Utol, kilala mo naman ang tropa 'pag lasing, hindi ba? Ganoon lang talaga ang mga 'yon. Pasensya ka na, hindi ko alam ang mga sinabi ko. I was drunk. Naka-suntok ka naman. I think that was enough. Fair and square." "Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin." Naramdaman ko ang paghawak ni Cyden sa kamay ko. "Just apologize to my wife instead." Umangat ang sulok ng labi nito at bumaling sa akin. "I'm sorry, Irene. Matagal mo na ring kilala ang mga 'yon, alam mo naman kapag involve na ang alak, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig. Alam ko namang... hindi pera ang habol mo sa kapatid ko. You're a decent woman, right? Everyone knows that." He remained smirking. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang sinseridad nito sa kahit anong bagay. He really didn't care about anything except Tito's anger. Pinunasan nito ng napkin ang kamay at tumayo na. "Pupuntahan ko na sa taas ang asawa ko. Baka gising na." He already turned his back pero muli itong bumaling kay Cyden na nakapamulsa. "I think you should also apologize for punching me." Bumuntong hininga si Cyden. "You know I didn't want to—" "You don't have to say anything to that asshole," malamig na sabi ni Tito at bumaling kay Miguel. "You just got what you deserved. Mabuti nga at tapos na ang kasal mo nang bumanat ka. Kung hindi, I'd be proud na dalhin ka sa altar nang dumudugo 'yang pagmumukha mo sa kabastusan mo. Akyat na, Gago." Sarkastikong tumawa si Miguel. "I was just kidding." Ganoon na talaga si Tito Samuel sa kaniya pero alam kong mahal na mahal niya rin si Miguel kung gaano niya kamahal si Cyden. Sinundan ko pa ito ng tingin palabas ng dining area. "Sa oras na malaman kong..." humigpit ang kapit ni Tito Samuel sa bread knife, "nagloloko ang anak mo, ako mismo ang puputol sa sungay niya." Sunod-sunod ang paglunok ko habanag sinasaksak ni Tito ng knife ang steak sa pinggan. Bumaling ito kay Tita na noon ay namumutla. "You know how I hate cheaters... right?" "P-pagsasabihan k-ko si M-Miguel." "No, you don't have to. Wala kang alam sa pagiging faithful, not even loyal. Wala kang maituturong maganda sa anak ko." Tita's hands started to fidget. Gusto ko siyang hawakan kaya lang ay nasa kabilang side siya ng mesa. I felt sad for her. Tito's words were like knives that surely cut her. Cyden cleared his throat. "Uhm, Dad, I have good news. I already closed the deal with Mr. Romualdez." Tumango si Tito. "I'm not surprised. You never failed to make me proud, Cyden. Don't stress yourself too much at work. Magbakasyon ka with your beautiful wife para naman mabigyan n'yo na ako ng apo. Matagal na akong naghihintay." Muling hinaplos ni Cyden ang kamay ko at ngumiti sa ama niya. "Hopefully this year, Dad." Tito giggled and gave me his attention. "Hija, huwag kang mahiyang magsabi kay Cyden kung may problema ka sa trabaho. I hope mapadalas ang pagbisita n'yo rito sa bahay nang hindi... puro salot ang nakikita ko sa pamamahay na ito." I just forced a smile. Nagsisikip ang didbib ko para kay Tita Cynthia dahil alam kong hanggang ngayon hindi pa rin siya napapatawad ni Tito Samuel kahit pa halos nagawa niya na ang lahat para sa kapatawaran nito. I could feel it... nararamdaman ko kung gaano niya kagustong bumawi kay Tito pero parang sarado na ang puso nito para sa kaniya, lalong-lalo na sa pagpapatawad sa kanya. Tito Samuel really hated cheaters. Strict din ito sa attitude at character ng tao kaya lagi niyang napapagalitan si Miguel at parati namang napupuri si Cyden. Walang sino man ang gustong makakita ng galit nito dahil kapag ganoon ay tila wala itong pinapalampas. He didn't care sa kung anong paraan niya madisiplina ang anak. Madalas nakikita ko ang mga mata ni Tita Cynthia kung paano siya natatakot at kung paano siya nasasaktan. But then... nakikita ko rin kung paano niya tingnan si Tito Samuel. It was like... she really loved him at handa siyang magtiis at gawin lahat para lang manatili sa tabi niya. Pagkatapos ng hapunan sa bahay nila, umuwi na rin kami ni Cyden. Bago kami humiga sa kama, kinuha nito ang kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos. "You don't have to worry about what I said earlier. I just said that para hindi na magtanong si Dad. Hihintayin kita... kung kailan ka maging handa." I felt my heart move. Hindi ko na maalala kung kailan ko sinabi sa kaniyang hindi pa ako handang magkaanak. He was there to listen. He was there to understand me. "You know I have so much respect for you. Ayokong pilitin ka. Nandito lang ako," he again said. "Hindi ako naiinip." "I don't know how to thank you enough..." Ngumiti ito. "Kumusta pala ang birthday ni Sid? Did you enjoy the kids' party?" Unti-unti, nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib. Naalala ko na naman ang mga nangyari. "It... it was fun..." "That's great. I'm sure, Sid enjoyed his own party. I hope nagustuhan niya rin 'yung regalo na pinadala ko." Marahan nitong hinalikan ang noo ko. "Let's sleep now, Hon." Inunan ko ang braso niya habang yakap niya ako mula sa likuran. Malalim na ang paghinga niya pero hindi ko nakuhang matulog agad. Nanatili akong nakatingin sa kawalan. Hindi ko gustong ipikit ang mga mata ko dahil sa tuwing gagawin ko iyon, nakikita ko ang mga matang noon ko pa binaon sa nakaraan. Every part of my body longed to forget him. Gusto ko siyang tanggalin sa kahit anong parte ng pagkatao ko, but the more I tried, the more it persisted. The more I couldn't... Pinikit ko ang mga mata ko na may bigat sa dibdib ko. Hindi ko na dapat pa balikan ang nakaraan o kung sino ang nasa nakaraan. I should have been happy... with Cyden by my side, with the man who adored me and loved me without conditions. Wala na dapat maging puwang para sa ibang tao sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD