Tanaw na ni Marie mula sa bintana ng sasakyan na lulan siya ang mga matatandang mga magulang na naghihintay sa tapat ng kanilang bunggalow na pamamahay. Nang mahinto sa maluwag nilang bakuran ang sasakyan ay agad siyang dali daling lumabas at inilang hakbang lang ni Marie ang mga magulang. Umiiyak ang kanyang Mommy Beth. Napasugod agad ng yakap si Marie sa mga magulang, dinaluhan naman siya ng mga ito ng mahigpit pang yakap. Agad namang nag sialisan ang dalawang sasakyan. Humaharorot na ang mga ito palabas ng kanilang farmland. Umiiyak na rin si Marie at humihikbi. Panay yakap at iyakan lamang ang mag anak. Wala ne isa sa kanila ang nagsalita. Maging si Yana at ang kanyang tiya na nakamasid ay naluluha din.
Hinayaan muna nilang makapagpahinga si Marie at makatulog sa kanyang silid. Pero bago maghaponan ay pumasok si Mommy Beth sa silid ni Marie. Tinabihan nito si Marie sa kama, niyakap, hinaplos ang buhok at kinintalan ng halik sa noo. Dahan-dahang nagmulat si Marie. "Mommy..." Nakangiting tawag nito sa ina. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Mahinahong tanong ni Mommy Beth sa kanya. Walang imik si Marie. "Wala bang masakit sa iyo?" Dagdag pang tanong ni Mommy Beth. Umiling-iling lang si Marie. "Sobrang ginawa lahat ng Daddy mo, maibalik ka lang sa amin. Mahal na mahal ka namin anak." Maluha luhang wika ni Mommy Beth. "Mahal na mahal ko rin kayo ni Daddy nick, Mommy." Mahinang sagot ni Marie at gumanti na din ng yakap sa ina. "Miguel is a great man, pero wala ka pa sa tamang gulang. Nag-aalala kami ng Daddy mo na masangkot ka kung ano mang gulo mayroon si Miguel sa buhay niya. Masyado ka pang bata para madesisyonan naming mag- asawa na. Love waits iha... Kung talagang porsigido siya sa iyo hihintayin niya ang tamang panahon. Hindi niya magagamit sa amin ang yaman at koneksyon niya. Hindi kami makakapayag na pati pamilya natin ay isasali niya sa mga taong pinaiikot niya lang sa mga palad niya. Over our dead body naming dalawa ng Daddy mo." Mariin ang mga salitang binitiwan ni Mommy Beth. Nakangiti ding nakasilip sa may pintoan ang Daddy Nick niya at tumatango tango din ito. "You are our precious jewel anak, Hiningi ka namin sa maykapal nang kay tagal." Dagdag pa ni Daddy Nick at pasugod narin ito sa pagyakap sa kanyang mag-ina.
Masayang pinagsaluhan ang haponan ni Marie kasama ang kanyang mga magulang.Iniisip ni Marie na tama ang kanyang mga magulang hilaw pa nga siya para sa pag-aasawa. Nabubulagan lamang siya at napwersa ni Miguel para maramdaman niyang umiibig siya para sa lalaki. Sa iisipin pang nasaktan din siya dahil pamalit lang pala siya sa pangungulila nito sa girlfriend nitong si Racquel. At idagdag pa ang kaguluhang kinakasangkutan nito sa buhay na sabe nga ni Mommy Beth niya. Nabaril nga ito noong huli at hindi na sila nagkita pa hanggang maibalik siya ni Primo sa mga magulang. Siguro nga ay ayaw na niyang makita si Marie at pinagsawaan na dahil nakuha na nito ang lahat ng kanyang gusto. Pinaibig lang ang kanyang batang puso, sinaktan at pinaasa. "Baka iniisip mo anak na sangkot kami ng Mommy Beth mo sa pagkakabaril kay Miguel Marquez. Wala kaming kinalaman doon. Marami siyang kalaban sa negosyo at personal grudges ng pamilya nila. Handa ka ba na ganoong tao ang makakasama mo habang buhay kung wala na kami ni Mommy Beth mo?" Seryosong tanong ni Daddy Nick kay Marie. Napangiti si Marie at hinawakan ang isang kamay ng ama niya. " Daddy... bumalik na nga ako dito diba? Bakit mo pa ba natatanong yan?" pabalik na tanong ni Marie sa ama. "Darling, move on na tayo sa Miguel na yan. May restraining order na ang korte, hindi na yan muling makalalapit kay Marie." Saway ni Mommy Beth sa Daddy Nick niya. Tila kinurot ang puso ni Marie sa narinig mula sa ina. Hindi na pala kailanman muli niyang makikita pa si Miguel. Nasasaktan siya at hindi niya alam kung bakit. Napakurap kurap nalang si Marie at ipinagpatuloy ang pagkain.