The loving side of Him

942 Words
Nalula si Marie nang igiya siya ni Miguel kung saan naroroon ang tinutukoy nitong garden. Malawak ang lupain na pag-aari ng pamilya ni Marie ngunit higit na mas malawak ang lupain na iyon ni Miguel. Malapad ang lawn na iyon at sobrang ang gaganda ng mga ornamental na mga bulaklak at halaman. Naka landscape halos lahat at parang naalagaan tlaga ng hardenero o sinumang nag aalaga sa garden na iyon. Nagtungo sila ni Miguel sa isang gazebo sa gitna ng garden. Agad siyang inalalayan ni Miguel na makaupo sa isang silya doon at umupo naman si Miguel sa kaharap na silya. Nasa gitna ang hindi kalakihang round table na may mga nakaset na pagkain. Iniikot muna ni Marie ang kanyang paningin sa paligid. Wala siyang nakikitang bakod. Puro puno ng mangga ang nakikita niya hanggang sa abot ng kanyang tanaw. "Pag-aari ko ang lahat ng ito. Pinamana ng lola ko sa Mother side bilang nag iisang apo." May halong yabang sa mga katagang binitiwan ni Miguel. Walang imik si Marie. Hindi siya naiimpress kunwari kasi ang gutom na kanina pa niya nararamdaman ang inaalala niya. " My Father is an spanish, half turkish pero matagal na nakatira dito sa Pilipinas kaya naka adopt na ng kulturang Pinoy lalo pa nang mapangasawa niya ang nanay kong full blooded ilocana na kabilang sa mga mayayamang angkan dito sa Norte." kwento pa ni Miguel. Tumango tango lang si Marie. "Wala ka bang sasabihin?" Nakakunot ang noong tanong ni Miguel kay Marie. "Pwede bang kumain muna tayo?"Mahinahong tanong ni Marie. Nagugutom na talaga siya. "Okey! Lets eat first." Mabilis na sagot ni Miguel at ngumiti ito ng pagkatamis tamis.Litaw ang isang dimple nito at ang pantay pantay na mapuputing ngipin. Napakurap kurap si Marie sa kilig na nararamdaman. Tahimik siyang nanalangin na sana bigyan pa siya ng Panginoon ng maraming lakas ng loob para malabanan ang pagkahulog ng damdamin niya para kay Miguel. Habang kumakain sila ay panay ang alalay ni Miguel sa kanya. Kung anong bangis nito sa kanya sa kama ay iyon naman ang kabaliktaran ng mga ginagawa nito ng mga sandaling iyon. Matapos pahiran ni Marie ang bibig ng table napkin napaangat ang tingin niya kay Miguel na ngayon ay nakatayo na at tapos naring kumain. Inilahad nito ang kanyang kamay para kay Marie. "Halika, doon tayo sa may picnic mat na pinalagay ko sa may lilim ng mangga baka gusto mong mag nap." Aya ni Miguel kay Marie. Inabot naman ni Marie ang kamay ni Miguel at magkahawak kamay sila patungo sa ilalim ng punong mangga. Maaliwas sa ilalim ng punong mangga na may nakalatag nang picnic mat at may mangilan ngilang throwpillow. Naunang umupo si Miguel at hinila siya nito para lang mapaupo sa kandungan ni Miguel. Nagpantay ang kanilang mga mukha. Nakatitigan si Marie at Miguel. Kapwa nangungusap ang kanilang mga tingin sa isa't isa. Si Marie na ang unang humalik kay Miguel. Banayad ang paghalik ni Marie sa mga labi ni Miguel. Sa una ay ginagantihan lang ni Miguel ang banayad na halik ni Marie, kalaonan ay naging mapusok si Miguel. Lumalalim na ang kanilang halik hanggang galugarin na nang kanilang mga dila ang bunganga ng bawat isa. Niyapos pa lalo ni Miguel ang malambot na katawan ni Marie. Kapwa sila humihingal nang maglayo ang kanilang mga labi. Matagal at nakakalunod ang halik na iyon. Kung hindi lang siguro sila naroroon sa lantad na lugar at daytime pa, iisipin ni Marie ay tuloy tuloy na ang romansa ni Miguel sa mainitang pagtatalik na naman. "Kailangan na kitang ibalik sa Daddy at Mommy mo."Mahinang wika ni Miguel. Nakikitaan ni Marie ng kalungkutan ang mga mata ni Miguel. Sa tantiya niya siguro nga nalulungkot ito dahil hindi na siya nito mapaparaosan.  Nalulungkot din si Marie dahil aminin man niya o hindi ay dahan dahan nang nahuhulog ang loob niya para kay Miguel. "Namimiss ko na ang mga parents ko." Maikling tugon ni Marie at nayuko. "Kung galit ka sa ginawa ko handa na akong makulong." Nagugulohan si Marie sa tugon sa kanya ni Miguel. "Makikipagpatayan na si Dominic sa akin maibalik lang ang nag iisang anak niya. Kwets na lahat ang kasunduan namin. Nabigay ko na lahat ang share ko sa business ninyo huwag lang niya ako kasohan. Pero kung hindi kita ibabalik ilalaban kadaw ng ama mo kahit sa anong paraan." Mahabang dagdag pa ni Miguel. "You are so young yet so tempting..." Wika pa ni Miguel na namumungay ang mga mata. Napayuko si Marie at nag isip. Masyadong siyang inosente sa mga nangyayari sa labas ng mundong kinalalagyan nya noon sa piling ng mga magulang. Pinagsarhan siya ng pinto ng mga magulang kung anong mundo mayroon sa realidad. Ngayon pa niya naranasan lahat sa opposite s*x itong mga nararanasan niya. Siguro nga ay nanibago lang siya. Siguro ay mawawala din itong mga pananabik niyang laging kapiling si Maiguel at kompotable siyang kasama ito. Hindi permanente ang mga nararamdaman niya ngayon, sa palagay niya mawawala din ito sa panahong babalik na siya sa mga magulang."I am already 38 years old baby, sobrang layo ng agwat natin sa edad. Pero sana maniwala kang hindi kita nilapastangan. At hindi ko sinisising pumasok ka sa bidding site na iyon. Where in fact i am so thankful of founding you" Malumanay na saad ni Miguel na tila nangungusap ang mga mata. Napangiti ng hilaw si Marie. Pinipigilan niyang mapaluha. Hindi niya mapigilang hindi sisihin ang kuryosidad niya noon.Pero nagpapasalamat din siya sa pagkakataong nakilala si Miguel. Hindi man neto kayang suklian kung ano man ang nararamdaman niya para sa lalaki. Nakatitiyak siyang may magaganda at masasarap siyang alaalang babaonin sa pagbalik sa mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD