"Guard, itatanong ko lang sana kung nakauwi na ba si Erin Penelope De Guzman? Ako ang Mommy niya." Magalang kung tanong at pagpapakilala sa guwardiya ng unibersidad kung saan nag-aaral ang anak kong Erin. Naglakas loob na akong magtanong para naman dahil miss na miss ko na talaga ang anak ko. Hindi naman ako magpapakita sa kanya kung sakali na makita ko siya ngayon. Gusto ko lang naman masilayan ang anak ko kahit hindi ko na siya makausap basta makita ko kung okay lang ba siya. "Ma'am, ilang araw ko ng hindi napapansin na pumapasok si Ms. Erin De Guzman." Magalang na naman na sagot ng guard sa aking tanong. May edad na ang lalaking guwardiya. At matagal ko na rin siyang nakikita dito sa university at nakakasiguro naman akong kilala niyo kung sino si Erin dahil popular ang pangalan ng anak

