Episode 6

1025 Words
"Anak! Nariyan ka na pala?" buong pananabik kong tanong sa kanya. Halos dalawang araw din na wala si Erin sa bahay. Siya kasi ang napili na ipadala bilang school representative para sa isang leadership meeting or training na ginanap sa Batangas. "Mom, why didn't you tell them the truth?" matabang na tanong ng anak ko habang wala akong magbasa na emosyon sa kanyang magandang mukha na nakuha niya sa kanyang Daddy. Kunot-noo akong napa-isip kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang tanong. "Mom, 'yan na lamang ba ang gusto niyo sa buhay? Ang lagi kayong napagkamalan na katulong dito sa bahay o kaya naman ay yaya ko? Bakit hindi ninyo sinabi ang totoo na kayo ang asawa ni Daddy? Na kayo si Mrs. Eduard De Guzman at hindi katulong at lalong hindi ko yaya?" nakasimangot na tanong ng aking nag-iisang anak. Noon pa man, ayaw na ayaw ni Erin na napagkakamalan akong katulong o di kaya naman ay Yaya niya. Madalas pa niya akong pinagsasabihan kapag hindi ko itinatama ang sapantaha ng ibang tao tungkol sa akin. Ayaw na ayaw niyang maging maliit ang tingin sa akin ng ibang tao dahil ako raw ang Mommy niya at mahal na mahal niya ako. "Hayaan mo na sila, nak. Hindi naman ako nasasaktan sa tuwing napagkakamalan akong katulong o yaya mo," saad ko na lamang. Ngunit nakatitig lang sa akin si Erin na waring pinag-aralan ang aking mukha. "Mom, bakit po ba komportable na kayo sa ganyang buhay? Bakit po ba sapat na sa inyo na ganyan lang kayo?" seryosong turan ni Erin na hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang ganung mga klase ng tanong. "Nak, ganito lang naman talaga si Mommy hindi ba? Ano ba ang ibig mong sabihin?" Hindi ko mabanaag kung ano ang reaksyon ng aking anak sa kanyang mukha. Kung nagagalit ba siya o malungkot. Dahil permanente lang siyang nakatingin sa akin. Umiling-iling na lamang at saka mabilis akong nilampasan upang pumasok na sa loob ng bahay. Sanay na ako sa inasal ng aking anak. Ganun siya kapag nakikipag-usap sa akin. Hindi niya na ako kinokontra pa kahit gusto niya. Sa totoo lang miss na miss ko na ang anak ko. Namimiss ko na 'yung mga kwento niya ng mga nangyari sa kanya sa school. Ang mga naging lessons nila, kung naka ilang perfect score sya, lalo na pagkukwento niya sa mga nakakatawang pangyayari sa loob at labas ng classroom nila. Marahil nga ay dalaga na ang anak ko. Ilang buwan na lang ay ipagdiwang niya na ang kanyang ikalabing-walong taong kaarawan. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Eduard sa birthday ng nag-iisa niyang anak. Hindi ko naman kasi makausap ng maayos ang asawa ko at isa pa, malamang na uupa na lamang iyon ng mga organizers na mag-aasikaso sa kabuuan ng party kung meron man. Ang bilis naman talaga ng panahon. Kailan lang ng malaman kung buntis ako kay Erin. Takot na takot ako noon na malaman ng aking mga magulang dahik siguradong masasaktan at palalayasin ako ni nina Mama at Papa. Kaya hindi na ako nagtataka ng mag-asawang sampal ang natanggap ko kay Papa samantalang sabunot ang natanggap ko kay Mama ng malaman nila ang tunay kong kalagayan. Naduwal na lamang kasi ako isang umaga ng sabay-sabay kaming nag-almusal at sa mismong harapan pa nila. Kaya naman agad nila akong pina-check up at doon nga nakumpirma na buntis ako. Ikinulong nila ako sa madilim na bodega hanggat hindi ako umaamin kung sino ang nakabuntis sa akin. Ayoko talagang sabihin kung sino dahil ayokong banggitin ang pangalan ni Eduard dahil galit na galit ako sa ginawa niya sa akin na naging dahilan kung bakit ako na buntis. Dahil si Darwin lang ang natatanging lalaki na malapit sa akin noong panahon na 'yon. Kaya naman siya ang unang pinagbintangan ng aking mga magulang. Pero nakarating din pala ang balita sa pamilya ni Eduard kaya naman agad niyang sinabi sa mga magulang na siya ang ama ng pinagbubuntis ko. Nakatanggap pa ng suntok ang asawa ko kay Papa pero naging maayos din naman ang gulo ng magdesisyon ang ang aming mga magulang na ipakasal na kami sa lalong madaling panahon. Huminto na ako sa pag-aaral at hindi nag tuloy sa college. Mabuti na lang at natapos ako ng high school. Napilitan na akong makisama kay Eduard at sa buong pamilya niya dahil hindi na pumayag si Mama at Papa na umuwi ako sa bahay namin. Mahirap pero kinaya ko para sa anak ko. Hanggang sa manganak na nga ako kay Erin. Nang makatapos sa college ang asawa ko at magkaraoon na ng trabaho sa kanilang sariling kompanya ay bumukod na kami ng bahay. Kaya naman lahat ng gawain ay naatang na talaga sa akin. Saksi naman ako sa pagsisikap ni Eduard para magampanan ng maayos ang lahat ng trabaho. Iyon nga lang, sa loob ng maraming taong pagsasama namin ay madalas niya akong pagbintangan na may gusto kami ni Darwin sa isat-isa. Kahit ilang libong beses ko ng sinabing magkapatid lang ang turingan namin ay hindi siya naniniwala. Bawat galaw ko ay dapat alam niya. Kalkulado niya ultimo yatang paghinga ko. Maraming bawal. Bawal ang lumabas ng bahay. Bawal akong magpakilala o makipagkaibigan kahit sa mga kapitbahay o kaya naman sa mga Nanay ng kaklase ni Erin. Bawal akong mag make-up kahit magpahid lang ng lipstick. Bawal akong magsuot ng mga damit na magpapakita ng legs ko, ng likod ko o kahit pa yata ng braso ko. Kahit shorts na hanggang tuhod ay bawal. Pagdating sa pera ay sadyang napakahigpit din ng asawa ko. Kailangan maipaliwanag ko ang bawat nawawalang kusing sa listahan ng mga pinamili kong groceries o kaya naman sa mga bills. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit yumaman siya. Lahat ng mga gusto at ayaw niya ay walang reklamo kong sinusunod. Sanay naman ako sa manipuladong buhay. Iyong buhay na dinidikta. Dahil ganun din naman ang batas noong nasa poder pa ako ng aking pamilya. Malaya ngunit, nakatali ang dalawang kamay maging ang mga paa. Nakapiring ang mga mata . Naka busal ang bibig. Walang karapatan sa lahat ng bagay. Maging sa sariling buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD