Episode 44

2125 Words

"Mom, huwag na muna po kayong masyadong magkikilos at baka makasama sa inyo. Halos wala pang dalawang buwan ng maoperahan kayo." Pagsaway ni Erin sa akin ng makita akong naghahanda ng mga lulutuin kong nilagang karne ng baka dito sa kusina. "Tuyo na ang sugat ko, anak. Huwag kang mag-alala at hindi naman mabigat na trabaho itong pagluluto ng ulam. Hindi ako mapupuwersa at hindi naman bubuka ang sugat ko sa simpleng gawain na ito." Sagot ko sa kanya habang maingat kong hinuhugasan ang mga gulay gaya ng repolyo sa lababo. "Mommy, sa labas lang po tuyo ang sugat pero sa loob ng katawan niyo ay sariwa pa po yan." Dagdag ni Erin na gusto talaga akong pigilan sa aking ginagawa. "Promise anak, mag-iingat si Mommy. Pagbigyan mo na ako, lagi na lamang akong nakaupo at nakahiga. Inip na inip n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD