"Mommy, ako ang nahihilo sa ginagawa niyo. Pwede po ba na maupo muna kayo?" Reklamo ni Erin habanh nakatingin sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa kakaisip kung ano na ang nangyari kay Abby. Ligtas ba ang bunso kong kapatid at nahuli na ang stalker na yon? "Tita, pauwi na po siguro sila." Komento namam ni Makoy na siyang kalaro ni Lyndsay. "Mga anak, hindi niyo ko masisisi. Hindi ko rin mapigil na hindi maging aligaga sa sitwasyon na hindi natin alam kung ano na ang nangyari. Kung bakit naman kasi walang kahit isa sa man sa kanila ang tumatawag para mag-update ng nangyayari sa kanila." Pahayag ko na hindi binibitawan ang cellphone ko. "Mommy, mabuti hindi ka pa senior citizen dahil mag-aalala ako kahit pa umiinom ka pa ng maintenance. Hindi po pababayaan ni Uncle Dark si A

