"Nak, paki bilang mo nga muna kung ilan ang mga malalaking bilao." Agad naman akong tumalima kay Mommy at binilang sa pamamagitan ng aking mga mata at isip ang mga nakahilerang bilao sa lamesa. Hindi pare-pareho ang laki ng mga bilao, mayroong malaki, may katamtaman at may mas maliit ang size. "Mom, fifteen pieces po ang lahat ng malalaking bilao." Ang sagot ko kay Mommy habang abala na sa pagsasalansan ng iba't-ibang uri kakanin sa maliliit na bilao. Ilang buwan na rin ng magbalik si Mommy sa pagtitinda ng kakanin. Mas naging patok ang kanyang paninda ng maisipan namin na maglagay ng iba't-ibang klase ng kakanin sa isang bilao kung saan nakasalansan ng maayos ang makukulay na kakanin katulad ng sapin-sapin, puto, kutsinta, kalamay kanin, biko, suman at iba pang klase ng kakanin na s

