"Sabihin mo nga kung dapat ba akong magselos sa lalaking iyon? At bakit kailangan ko naman na magselos? Papatulan mo ba ang taong iyon kung sakaling may gusto siya sayo at kung ligawan ka niya ay sasagutin mo? " namumula pa ang mukha ni Eduard sa mga naging tanong. Nag-isip mo na ako. "Bakit ko naman sasabihin sayo kung may pag-asa sa akin si Rodrigo o wala kung sakaling ligawan niya ako?" ang balewala ko naman na sambit. Naningkit ang mga mata ng tatay ng anak ko at lalong tumapang ang kanyang itsura. "Kung ganun ay may gusto ka rin sa lalaking mukhang ewan na yon? May pag-asa siya sayo? Sasagutin mo siya? April, baka nakakalimutan mo na hindi pa tayo legal na hiwalay. Asawa pa rin kita kaya huwag mong subukan na magkaroon ng relasyon sa iba dahil kilala mo ako." Ang madiin na mga sa

