Episode 40

2212 Words

"Ate, hindi na normal ang nararamdaman mo. Napapansin ko na madalas ka nang mahilo at nagsusuka," wika ni Abby na nasa labas lamang ng c.r kung saan ako naroon. Sinundan niya ako matapos akong nag tatakbo patungo rito ng makaramdam na naman na para akong nasusuka ako ay nagmamadali na akong magtungo sa loob ng banyo. "Baka sobra na lamang ang pagod ko, Abby." Sagot ko naman sa bunso kong kapatid habang nagmumumog na ng malinis na tubig na galing sa gripo. Maliban kasi sa pagtulong kay Abby sa pagtitinda sa kanyang tindahan ng mga damit ay sinubukan ko na rin na ituloy ang pagtitinda ko ng mga iba't-ibang klase ng mga kakanin. Sa totoo lang, matagal na akong nangangarap na sana ay kung magkakaroon din ako ng isang negosyo ay itong pagtitinda ng sarili kong mga niluluto ang ititinda ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD