Lumipas na ang isang araw simula nang mangyari ang araw na 'yon, kung saan nakasama namin ang mga sikat na banda sa isang gig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. "Ang guwapo ni Rain," ani Paradise dahilan para mabitiwan ko ang librong binabasa at mapatingin sa kaniya. She's been like this since that day, tulala at palaging tinititigan ang litrato ni Rain. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan na hindi 'to isang coincidence, bakit ba naman kasi sa lahat ng babae'y kami pa talagang tatlo ang naisipan nilang guluhin? Halos mabaliw na tuloy si Paradise katititig sa cellphone niya habang si Heaven naman, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Mas lalo siyang naging tahimik at mas madalas siyang nakatingin sa malayo. "Hindi

