CHAPTER 2: Blushing Bride

1090 Words
NARAMDAMAN niya na parang lumulutang siya sa alapaap. Isiniksik niya ang kanyang ulo sa matigas at mainit na bagay na nakadampi sa kanyang mukha habang nakapikit pa rin . Hinigpitan niya ang pagkakayapos dito. Naghahatid ito ng proteksyon sa kanyang pandama. "Hmm...." Mas lalo niya pang isiniksik ang mukha. Narinig niya na parang may nag uusap. Nagising ang natutulog niyang diwa ng marinig niya ang boses ng isang matandang babae. "Nakahanda na po ang master's bedroom, Sir Lance " Agad niyang iminulat ang mata sa narinig ngunit ipinikit agad ng makita ang mukha ni Lance na nakatingin sa kanya. Hindi man lang umimik si Lance sa tinuran ng matanda. Mukhang tumango ang lalaki ng marinig ang yabag ng paang papalayo. Umakto siyang natutulog pa rin ngunit bahagya niyang inilayo ang kanyang mukha sa malapad nitong dibdib. She blushed ng maalala kung anong ginagawa niya kanina. Hindi niya alam kung naririnig ba nito ang lakas ng t***k ng kanyang puso na pakiramdan niya luluwa anumang oras. Ramdan niya ang paga-angat at pagbaba ng dibdib nito sa bawat paghinga. Naririnig niya rin ang marahang pagtibok ng puso nito. Alam niyang pumapanhik ito paakyat sa hagdan papunta sa kwarto nilang dalawa. Iniisip niya pa lang kung anong mangyayari oras na nandoon na sila sa loob kinakabahan na siya. Marahan nitong binuksan ang siradura ng kwarto, di niya pa rin iminumulat ang mata. She lightly shiver ng marinig niya ang clicked sa pagkasara ng pinto, kasunod ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama. Tinapik tapik siya nito sa balikat para gisingin. Hindi niya pa ito kayang harapin kaya pinili niyang umakto pa ring natutulog. "Alam kong gising ka na, pwede mo nang itigil ang pagpanggap." Malamig na boses na saad nito. Pero di pa rin siya nagmulat ng mata. "I'll count one to three, pag di ka pa nagising ako mismo ang maghuhubad ng wedding gown mo." Bakas ang pagbabanta sa boses nito. Agad siyang nagmulat ng mata. Umakto siyang kagigising niya lang. Kinusot kusot niya pa ang mata. "Oh, Hi hubby." saad niya ng mabungaran ang seryoso nitong mukha. Pinigilan niyang ipahalata ang namumulang pisngi dahil sa tinuran. Ngumiti pa siya rito. See? You'll never know how your own mind would function. "Take off your clothes now." Utos nito na walang ka emo-emosyon ang mukha ngunit nagdala ng kilabot sa kanya. Nanlalaki ang matang tiningnan niya ito. Hindi ito mukhang attracted sa kanya kahit katiting pero gusto na nitong may maganap sa unang gabi nila bilang mag-asawa? Kunot na kunot ang noo nito .“Why aren't you moving?” “Hi-hindi pa ako handa!” Tumaas ang boses niya sa pagkataranta. Mas lalong nagsalpukan ang makapal nitong kilay. “Anong pinagsasabi mo? Do you want to sleep with your wedding gown on?” Mukha na siguro siyang kamatis sa init na nararamdaman niya sa pisngi niya. "Ahmm. .pwede ba? " Nag aalanganin niyang tanong. She looked stupid. Tiningnan siya nito mg masama. "Mukha ba akong interesado sa’yo? I’m tired Collin and for now that's the last thing I would want to do right now." ani nito sa naiinis na boses at agad siyang iniwan at lumabas sa silid na iyon--- he actually looked repulse to the idea of doing the act. She had prayed na sana hindi ito magkaroon ng interest sa ganoong bagay pero hindi niya inaasahang masasaktan siya. It unexpectedly stings. ****************** LANCE LEFT his wife inside their room. Naiinis siya sa inaakto nito na parang inosente ---he almost believed her. Kung hindi niya lang alam kung anong ugali meron ito. Living a lavished unrestrained life, she’s accustomed to be liberated. Always been present in parties yet not emotionally attached to anyone. Pina imbestigahan niya si Collin, at marami siyang alam tungkol dito. Kaya kanina naiinis siya ng sabihin nitong di ito marunong sumayaw at ngayong umaakto itong mahiyain. She’s a social butterfly, not like the blushing bride he left in his bedroom. But his mind return to his mysterious bride. He can still faintly smell her scent on his suit. Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya sa bulsa. He took his time answering. Hindi niya maisip kung sinong may lakas ng loob ang tatawag sa kanya, lalo na ang magulang niyang alam kung gaano niya kaayaw ang kasal na naganap. Nakita niyang nakarehistro ang pangalan ng kanyang kaibigan sa screen ng kanyang cellphone. “ What do you want? “ bungad niya agad dito, hindi niya tinago ang inis. He knows his friend will only tease him, bullshit him or ultimately ruin his wedding night. “Hold your horses Lance. Chill dude.” Rinig niya ang tawa nito sa kabilang linya. Ilan lang kayang siyang kausapin ng ganito. “ Magpapaalala lang baka makalimot ka, control your animal instinct. Remember it will be hard for you if you’ll consuminate na marriage. Mahirap pa naman ang annullment sa Pilipinas. " Anito sa kabilang linya. “I know that already.” he snapped at him. “Sigurado ka ha, sa ganda ba naman ng asawa mo ---“Di niya ito pinatapos sa ibang sasabihin nito. He sighed. “ Iyan lang ba sasabihin mo? I don’t have extra energy for today." “Fine. But I honestly hope your marriage work though. Just get to know her.” His friends advice hungs in the air. He needs to work tomorrow. Hindi niya kailangan ng bakasyon dahil lamang bago siyang kasal. Wala siyang pakialam sa asawa niya. Bahala ito sa buhay nito, huwag lang itong gagawa ng mga nakasanayan nito na maaaring madungisan ang pangalan niya.Pero maganda nga iyon para marami siyang dahilan para hiwalayan ito. Naligo siya sa ibang kwarto na naroon at bumalik sa kwarto kung saan natutulog ng mahimbing ang dalaga na nakasuot na ng pajama. Gusto niya sanang magkaiba sila ng kwarto ng dalaga kaso baka malaman ng kanyang mga magulang at mag-alala na hindi maayos ang pagsasama nilang dalawa. Malaki ang kama ngunit ang dalaga ay nakahiga sa dulo mismo ng kama na waring takot madikit sa kanya. Mukhang malalim na ang tulog. Siguradong napagod ito sa paghahanda ng kasal. Nahiga siya sa tabi nito. Ngabago ng higa si Collin at humarap sa gawi niya. Her lips parted a little--- she’s snoring. Unaware that someone like him is watching her. How can I make you show your true colors? His mind is busy thinking about how to solve his new problem. Nakatulugan niya rin ang pag-iisip sa sobrang pagod .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD