PAGDATING nila sa bahay ni Lance dumiretso siya sa kanyang kwarto. Sumunod ito sa kanya para lang ilapag ang kanilang pinamili. He did not utter a word. He just kiss her forehead and left her. Di katagalan may narinig siyang pag andar ng sasakyan. Tumambol sa kaba ang puso niya. Mabilis siyang bumaba para habulin ang lalaki pero di niya na ito naabutan. Napabuntong hininga siya. Naisip niyang gusto lang ni Lance na makapag-isip. She must not think hard. Hindi siya nito iiwan just to get back on her. Di katagalan dumating si Manang Maria pero di nito kasama si Gemini dahil may pasok daw ito. Nag-usap lang sila saglit at tinulungan ito sa mga gawaing bagay, di katagalan ay nakaramdam siya ng antok. " Naku ineng mukha atang napagod ka ah. Magpahinga ka na lang sa taas. Gigisingi

